Balita

The It Girls of Horror

- Ni REGGEE BONOAN

THEIt Girls of Horror ang bansag ngayon sa main cast ng The Debutantes na sina Miles Ocampo, Chanel Morales, Jane de Leon, Michelle Vito at Sue Ramirez.

Hindi naman talaga sila magpapahul­i sa beauty ng “it girls”. Okay raw sa kanila ang titulo.

Anyway, gustung-gusto naming manood ng horror movies, pero pagdating sa loob ng sinehan ay nakatakip na lagi ang mukha namin at nagkakasya kami sa naririnig naming hiyawan, sigawan at tunog ng pelikula.

Ganito na naman kami sa The Debutantes kasama ang ilang matatakuti­n ding nanood dahil sa mga uri ng pagpatay sa It Girls of Horror. Nangyayari ito kapag sumapit na ang 18th birthday ng bawat isa sa kanila kaya tiyak na iiwasan itong mapanood ng malapit nang mag-debut or else mapapaisip sila kung gusto pa nilang dumating ang araw na iyon.

Hindi na namin ikukuwento ang pelikula para mas mag-enjoy ang mga manonood lalo na ang mga naniniwala­ng it girls din sila sa kanilang eskuwelaha­n, dahil makaka-relate sila, ha-ha-ha.

Samantala, puring-puri ni Direk Prime Cruz sina Sue, Chanel, Jane, Michelle at Miles. Kahit hirap at pagod na sa mga eksena ay ganado pa rin sila sa shooting.

Ang ganda naman ng ngiti ng maginang producers na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa positibong reaksiyon ng mga nanood sa premiere.

Sinuportah­an si Direk Prime at ang kanyang scriptwrit­er girlfriend na si Jen Chuaunso ng kapwa niya direktor na sina Ivan Andrew Payawal, Perci Intalan at Jun Robles Lana ng IdeaFirst Company at kaibigang si Elmer Gatchalian.

Natuwa naman sina Sue, Michelle at Miles sa pagdating ng kapwa nila Star Magic talents na sina McCoy de Leon at Elise Joson, Jonathan Manalo, Sharlene San Pedro ng Goin’ Bulilit days. Hmmm, nakita rin namin si Aaron Villaflor, sino kaya ang ka-close niya sa It Girls of Horror?

Namataan din namin si Akihiro Blanco na nakasama ni Chanel sa TV5 at ang boyfriend ng dalaga na si Carl Guevarra at mga kaibigan nito.

Palabas na simula kahapon ang The Debutantes at dahil maaga ang deadline namin ay hindi pa kami nakakuha ng resulta sa box office.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines