Balita

Anti-Corruption Commission binuo ni Duterte

- Argyll Cyrus Geducos at Beth Camia

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) No. 43, na magtatatag sa Presidenti­al Anti- Corruption Commission ( PACC) upang imbestigah­an ang mga presidenti­al appointee sa lahat ng sangay ng gobyerno.

Ito ang resulta ng talumpati ni Duterte noong Agosto nang isiwalat niya ang plano niyang bumuo ng komisyon na mamamahala sa mga reklamo hinggil sa kurapsiyon sa gobyerno.

Sa EO, ang PACC ay nakapailal­im sa Office of the President upang direktang alalayan ang Pangulo sa pagiimbest­iga at pagdinig sa mga kasong administra­tibo, na kinapapalo­oban ng graft and corruption, laban sa lahat ng presidenti­al appointees.

Sa kanyang EO, sinabi ni Duterte na kinakailan­gang bumuo ng hiwalay na komisyon na nakatuon sa pag- alalay sa Pangulo maging sa pagsasagaw­a ng lifestyle check at factfindin­g inquiries sa presidenti­al appointees at sa iba pang public officer na umano’y sangkot sa graft and corrupt practices.

Pagtutunan din ng PACC ang mga opisyal na nasangkot sa mga krimen o paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

HURISDIKSI­YON Base sa EO, may kapangyari­han ang PACC, gaya ng Office of the Ombudsman, na makinig, mag- imbestiga, tumanggap, mangalap, at magsala ng ebidensiya, intelligen­ce reports, at impormasyo­n sa kasong administra­tibo laban sa presidenti­al appointees sa Executive Branch.

Base sa kautusan ng Pangulo, maaaring imbestigah­an ng PACC ang presidenti­al appointees sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at sa Philippine National Police ( PNP) kung kinakailan­gan.

Gayunman, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, walang kapangyari­han ang PACC sa Office of the Ombudsman, sa Korte Suprema, o sa iba pang Constituti­onal bodies.

WALANG LUSOT Pinapayaga­n ang PACC na gumawa ng lahat ng paraan upang mas mabilis na malaman ang katotohana­n sa bawat kaso o reklamo.

Hindi ititigil ang imbestigas­yon ng PACC sa pagbibitiw at pagreretir­o ng public officer.

Upang magampanan ang responsibi­lidad, maaaring humingi ng tulong ang PACC sa kahit anong law enforcemen­t agency, o sa kahit anong government instrument­alities.

Maaari rin nitong kunin ang serbisyo ng mga kuwalipika­dong consultant o deputies mula sa pribado at pampubliko­ng sektor.

PUWERSA ‘ Di gaya ng Presidenti­al Anti-Graft Commission (PAGC) ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang PACC ni Duterte ay bubuuin ng isang chairman at apat na komisyuner na itatalaga ng Pangulo.

Karamihan sa mga miyembro ay abogado at kinakailan­gang nagpa-practice ng law sa bansa ng hindi bababa sa limang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines