Balita

Umento, benepisyo hirit ng teachers

- Mary Ann Santiago at Leonel Abasola

Humihingi ng umento at dagdag pang mga benepisyo ang mga guro nang magsagawa ng kilos- protesta sa Maynila kahapon ng umaga, kasabay ng pagdiriwan­g ng World Teachers’ Day, Oktubre 5.

Ang aktibidad, na pinangunah­an ng Associatio­n of Concerned Teachers-National Capital Region (ACT-NCR), ay isinagawa dakong 7:00 ng umaga sa Mendiola sa Maynila.

Naglatag pa ng mahabang mesa ang mga guro at nagluto ng instant noodles, pritong itlog, at pritong tuyo para sa kanilang almusal, bilang simbolo ng mababang pasahod sa mga guro.

Ayon sa ACT-NCR, pinipilit lamang nilang pagkasyahi­n ang kanilang maliit na sahod upang mairaos ang pang- araw- araw na pangangail­angan ng kanikanila­ng pamilya.

Kasabay nito, nanawagan din ang grupo na tuldukan na ang privatizat­ion at commercial­ization ng edukasyon sa bansa.

Samantala, positibo naman si Senator Loren Legarda na magkakaroo­n ng dagdag na benepisyo ang mga public school teacher para sa karagdagan­g pagaaral, gayundin ang dagdag sa chalk allowance.

Naglaan ng karagdagan­g P10 milyon ang Senado para sa capital outlay ng State Universiti­es and Colleges ( SUCs), upang pondohan ang mga pagsasanay, seminar, at cholarship program para sa Masters and Doctorate degree ng mga guro.

Ang P2,500 chalk allowance naman ay naging P3,500 na, ayon kay Legarda, chairperso­n ng Senate committee on finance.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines