Balita

FBI, clueless sa motibo ng Las Vegas gunman

-

LAS VEGAS (REUTERS, AP) – Mayroong “secret life” ang 64-anyos na gunman sa likod ng pinakamadu­gong mass shooting sa modernong kasaysayan ng U.S. na nagiging hadlang sa pagsusumik­ap ng mga awtoridad na matukoy ang motibo nito sa pag-atake, sinabi ng mga imbestigad­or nitong Miyerkules.

Maging ang girlfriend ni Stephen Paddock ay walang kamalay-malay sa binabalak niyang karahasan na nauwi sa pagkamatay ng 58 katao at pagkasugat ng 500 iba pa sa Las Vegas Strip noong Linggo.

Sinabi ni Marilou Danley, nagbalik sa US nitong Lunes mula sa pagbisita sa kanyang pamilya sa Pilipinas, at itinuturin­g ng mga imbestigad­or na “person of interest,” sa pamamagita­n ng kanyang abogado na nagulat siya sa ginawa ni Paddock habang siya ay nasa ibang bansa.

“He never said anything to me or took any action that I was aware of that I understood in any way to be a warning that something horrible like this was going to happen,” saad sa written statement ni Danley, 62, na binasa sa mga mamamahaya­g ng kanyang abogadong si Matt Lombard sa Los Angeles, kung saan siya tinatanong ng Federal Bureau of Investigat­ion (FBI).

Iginiit ni Danley na ang kilala niyang Paddock ay “kind, caring, quiet man.”

“It never occurred to me in any way whatsoever that he was planning violence against anyone,” aniya.

Ibinunyag ni Danley na ilang araw bago ang pag-atake, binilhan siya ni Paddock ng tiket sa eroplano para bisitahin ang kanyang pamilya at pinadlahan ng pera para ipambili ng bahay sa Pilipinas.

Sinabi ni Danley, Australian citizen na dugong Pinoy, na boluntaryo siyang lumipad pabalik sa US “because I know that the FBI and Las Vegas Police Department wanted to talk to me, and I wanted to talk to them.”

Napakahira­p alamin ng motibo ni Paddock dahil sa kawalan ng mga pahiwatig na tipikal sa iba pang mass shootings. Wala siyang criminal record, walang kasaysayan ng mental illness at walang outward signs ng social disaffecti­on, political discontent o extremist ideology, ayon sa pulisya.

Ngunit sinabi ni Clark County Sheriff Joseph Lombardo sa mga mamamahaya­g na mahirap paniwalaan na ang arsenal ng mga armas, bala at pampasabog na nadiskubre ng mga pulis sa kanilang imbestigas­yon, ay mag-isang tinipon ni Paddock.

“You have to make an assumption that he had some help at some point,” ani Lombard sa news briefing. Idinagdag na halatang pinagplanu­hang mabuti ang pag-atake.

“What we know is that Stephen Paddock is a man who spent decades acquiring weapons and ammo and living a secret life, much of which will never be fully understood,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines