Balita

Palasyo walang hidden agenda vs Sereno, Morales

- Genalyn D. Kabiling at Leonel M. Abasola

Walang hidden agenda si Pangulong Rodrigo Dutetre na kunin ang lahat ng kapangyari­han o kumapit sa kanyang puwesto, sinabi ng isang opiysal ng Palasyo kasunod ng mga huli niyang pag-atake laban kina Chief Justice Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ipinaliwan­ag ni Presidenti­al spokesman Ernesto Abella na ginagawa lamang ng Pangulo ang kanyang tungkulin na protektaha­n ang Estado laban sa mga grupo na nais mangagaw ng kapangyari­han.

Naunang nagpahayag ang mga senador ng Liberal Party ( LP) sa “alarming and unproducti­ve” na pag-atake ng Pangulo sa democratic institutio­ns gaya ng Supreme Court at ng Office of the Ombudsman, na bahagi diumano ng “veiled attempt of the administra­tion to consolidat­e power.”

“The President has stated that it is his duty to protect the State from forces who want to seize power from a duly constitute­d government and subvert the people’s will,” giit ni Abella.

Sinabi niya na ang alok na pagbibitiw ng Pangulo ay “clear statement that he has no intention of clinging on to power”. Taliwas aniya ito sa mga alegasyon ng mga senador ng oposisyon na “he wants to consolidat­e power or intimidate independen­t institutio­ns.”

Nanindigan naman si Sen. Bam Aquino na walang kinalaman ang LP sa anumang destabilis­asyon o planong pagpapatal­sik kay Pangulong Duterte kasabay ng pagbatikos sa tangkang pagpapatah­imik sa mga kumokontra sa pamahalaan.

“Nakikita ho natin sa ating bansa na kapag may taong tumututol, sila agadagad ay inaatake. Sa isang demokrasya, hindi dapat ginigipit ang mga may ibang panig,” giit ni Aquino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines