Balita

Crime rate bumaba ng 7 porsiyento —PNP

- Aaron B. Recuenco at Fer Taboy

Bumaba ng pitong porsiyento ang bilang ng mga krimen sa buong bansa sa unang walong buwan ng taon kumpara sa parehong panahon noong 2016, inihayag ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Mula sa kabuuang 393,150 simula Enero hanggang Agoto ng nakaraang toan, nakapagtal­a ang pulisya ng crime volume na 364,915 sa unang walong buwan ngayong 2017, o 7.18% pagbaba, ayon sa PNP.

Sinabi ni Director Augusto Marquez, pinuno ng Directorat­e for Investigat­ion and Detective Management (DIDM), na malaki ang naitalang pagbaba sa mga tinatawag na index crime -- gaya ng carnapping, cattle rustling, murder, homicide, physical injury, homicide, theft, robbery, at rape.

Batay sa datos, napansin ng PNP ang malaking ibinaba ng index crime volume sa 20,675 (21.38%) krimen sa buong bansa simula Enero hanggang Agosto 2016 at Enero hanggang Agosto 2017.

Sinabi ni Marquez na bumaba rin ang non-index crimes o maliliit na krimen sa buong bansa sa 7,560 o 2.55% kumpara sa 296,444 non-index crimes sa parehong quarter noong nakaraang taon.

Iniugnay ng PNP ang pagbaba ng crime rate sa agresibong anti-drugs war simula Hulyo 2016.

Partikular na pinansin ng PNP Crime Laboratory ang pagbaba ng bilang ng kasong rape mula Enero hanggang Hunyo noong nakaraang taon na umabot sa 4,850. Subalit, sa parehong panahon ngayon 2017, bumaba ito sa 4,650 o nabawasan ng 200 insidente.

Ayon kay Crime Lab Deputy Director for Administra­tion Senior Supt. Ligaya Siohe Lim, batay sa kanilang obserbasyo­n nagwagi ang pamahalaan sa war on drugs dahil kumaunti ang mga biktima ng panghahala­y, at incest rape pa ang kanilang naitatala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines