Balita

Drug surrendere­r niratrat ng apat

- Mary Ann Santiago

Bumulagta ang isang drug surrendere­r nang paulanan ng bala ng apat na ‘ di pa nakikilala­ng lalaki sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Quincy John Gallanongo, 30, ng 607 Suarez Street, Barangay Maybunga ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam na ng awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga suspek na pawang kumaripas matapos ang insidente.

Sa report ni SPO3 Romeo Tanguilan, ng Pasig City Police, nakatayo ang biktima sa Callejon 5, Suarez St., nang ratratin ng mga salarin, dakong 7:35 ng gabi.

Ayon sa awtoridad, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay matapos aminin ng ina ni Gallanongo na dati itong gumagamit ng ilegal na droga at minsan nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines