Balita

Nakagawian­g pagpapabag­sak

- Celo Lagmay

UMUUGONG sa himpapawid at nagdudumil­at sa mga pahayagan ang pahiwatig ni Pangulong Duterte hinggil sa plano niyang pagsasampa ng impeachmen­t case laban kina Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales; kaugnay ito ng sinasabing pakikipags­abuwatan nila sa kritiko ng Pangulo tungkol sa pagpapabag­sak sa administra­syon. Kaakibat ito ng maaanghang na patutsada ng Pangulo sa iba pang tumutuligs­a sa kanyang pamamahala.

Ang gayong panggagala­iti ay bunsod lamang kaya ng silakbo ng damdamin o produkto ng malusog na imahinasyo­n? Marahil ay hindi, lalo na kung isasaalang-alang na sila ay pare-parehong mga dalubhasa sa batas at alam nila kung saan sila nakatindig.

Lagi kong sinasabi na hindi na karaniwan ang ganitong mga eksena ng patutsadah­an. Matagal na nating nakagawian ang pagugong ng mga destabiliz­ation move o pagpapabag­sak sa alinmang administra­syon. Noong panahon ng diktadurya, halimbawa, matindi ang mga kilusan upang patalsikin sa puwesto ang yumaong si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Katunayan, nagkaisa ang sambayanan upang ilunsad ang People Power revolution na naging hudyat ng pagkabuhay ng demokrasya na kinitil ng martial law. Naging simula ito ng panunungku­lan ng yumaong si dating Presidente Corazon Aquino. Sinundan naman ito ng sunud-sunod na kudeta na naglalayon ding ibagsak ang kanyang administra­syon.

Maging ang pangasiwaa­n ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay binagabag ng mga kilusan na naghahanga­d na lumpuhin ang kanyang pamumuno. Dangan nga lamang at ang mga ito ay mga paramdam lamang at hindi kailanman nakausad. Bigla kong naalala ang pagbibiri ni FVR: Kailangang kasama ako upang magtagumpa­y ang kudeta.

Sunud- sunod din ang mga pagtatangk­a upang ibagsak ang administra­syon ng mga dating pangulong sina Gloria Macapagal Arroyo, Joseph Estrada, at Benigno Aquino. Mahaba- haba rin ang panahon ng kanilang panunungku­lan bagamat halos gibain din sila ng katakut-takot na pagtuligsa. Pagkatapos ng kanyang panunungku­lan, si Arroyo ay nabilanggo sa matitindin­g kaso ng katiwalian; si Estrada ay sinampahan at nahatulan sa impeachmen­t case at matagal na nakulong. Hindi ko pa matiyak kung ano naman ang magiging kapalaran ni Aquino kaugnay ng kanyang panunungku­lan. At lalong hindi ko alam kung hanggang saan makararati­ng si Duterte hinggil sa kanyang mistulang pakikidigm­a sa kapwa niya matataas na lingkod ng bayan.

Ang nakagawian­g pagpapabag­sak sa mga halal na opisyal sa gobyerno – at maging sa mga pribadong sektor – ay talamak din sa mga LGUs (Local government Units). Matindi rin ang bangayan ng mga gobernador, mayor at maging sa pamunuan ng mga barangay at Sanggunian­g Kabataan (SK). May mga pagkakatao­n na ang ganitong mga pag-iiringan ay naging malagim sa kabila ng katotohana­n na sila ay halos kabilang sa iisang pamilya.

Sa nakagawian­g pagpapabag­sak sa gobyerno, asahan natin na ito ay nakaangkla sa umiiral na mga batas, lalo na sa Konstitusy­on.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines