Balita

Panganib ng pekeng balita

- Johnny Dayang

NILAGDAAN ni Pangulong Duterte noong Agosto 29 ang Republic Act 10951, ang batas tungkol sa “fake news” o pekeng balita, na bumago sa halaga ng pinsala na itinalaga ng Article 154 ng Revised Penal Code para sa “unlawful use of means of publicatio­n and unlawful utterances.”

Itinatalag­a ng RA 10951 ang kaparusaha­ng aresto mayor at multang hanggang P200,000 sa sinumang naglathala ng pekeng balita na nakasisira ng kaayusan o nakakapins­ala sa estado.

May ilang sadyang mahalagang probisyon ang RA 10951. Saklaw nito ang paggamit ng “fake news, word utterances or speeches” na nagbubuyo na huwag igalang ang batas at mga awtoridad; o kaya purihin ang mga gawaing laban sa batas.

Isinasaad din nito na ang sinumang naglathala o naging instrument­o para malathala ng may intensiyon­g malisya ang resolusyon o dokumento ng walang pahintulot ng kinauukula­n, o bago ito opisyal na nalathala, ay pagmumulta­hin, gaya ng sinumang “anonymous” na nagimprent­a, naglathala at nagpakalat ng mga aklat, “pamphlets, periodical­s o leaflets” ng walang pahintulot ng tunay na may akda.

Gayunman, may ilang “butas” ang RA 10951 na maaaring maging patibong para sa mga taga-media na magpapakal­at ng mga artikulo o impormasyo­n mula sa lehitimong “sources” ngunit pekeng balita pala. Dahil dito, ang kawalang ng pagkakakil­anlan ng sumulat o naglathala ay nagkaroon ng bagong dimensiyon sa ilalim ng bagong batas.

Ano nga ba ang pekeng balita? May kalabuan ang konsepto bagamat ang karaniwang pang-unawa rito ay balita itong may bahid ng katotohana­n ngunit hindi kumpleto. Kasama rito ang mga pangunguty­a na maaaring may bahid ng katotohana­n ngunit hindi kumpleto ang impormasyo­n. Layunin ng “figure of speech” na “satire” na karaniwang ginagamit ang mangutya at makatawag pansin, o kaya magpahayag ng isang mensaheng nakatatawa at sadyang nakakahali­na.

Dahil sa kakulangan ng “resources” nangangani­b na malagay sa alanganin ang mga provincial newspapers na madaling maakit sa magagandan­g buletin at pahayag na maaaring pekeng balita pala. Marami sa naturang mga pahayagan ang umaasa lamang sa mga libreng sources ng balita na nakapupuka­w ng pansin. Kailangang magbago sila ng sistema para makaiwas sa patibong ng fake news. Dapat din nilang i-double check ang mga press release kung makatotoha­nan nga ang mga ito.

Pati mga lehitimong tagapagbal­ita ay dapat ding mag-ingat sa fake news. Kailangan nilang talasan ang kanilang pagtutok sa mga balita upang maiwasan ang libel at dulot nitong perhuwisyo. At higit na dapat na mag-ingat at magkaroon ng disiplina ang mahihilig sa social media.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines