Balita

MABUTING BALITA

Bar 1:15-22 ● Slm 79 ● Lc 10:13-16

-

Sinabi ni Jesus: “Sawimpalad ka, Corazin! Sawimpalad ka, Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagdamit-sako at naupo sa abo at nakapagbal­ik- loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng paghatol. At ikaw naman, Capernaum, dadakilain ka kaya hanggang Langit? Hindi! Ibubulid ka sa impiyerno!

“Ako ang dinidinig ng nakikinig sa inyo at ako ang hindi tinatangga­p ng hindi tumatangga­p sa inyo. At ang hindi tumatangga­p sa akin ay hindi tumatangga­p sa nagsugo sa akin.”

PAGSASADIW­A:

Sawimpalad ka Corazin!… Sawimpalad ka Betsaida!… At ikaw naman Capernaum.— Mga sikat at kilalang bayan ang Corazin, Betsaida, at Capernaum noong kapanahuna­n ni Jesus. Pinagpala sa maraming bagay ang mga lugar na ito kaya ang paniwala nila, mas higit silang mahal ng Diyos.

Ngunit sa kabila ng pagiging mabuti sa kanila ng Diyos, nagkulang sila sa pagtugon nang may kababaang- loob sa tawag ni Jesus sa pagsisisi at pagbabagon­g-buhay. Sa kabila ng mga himalang ipinakita ni Jesus lalo na sa Capernaum, naging sarado pa rin ang kanilang puso sa pagtanggap sa kagandahan­gloob ng Diyos. Dahil sa kanilang bulag na pananaw sa tunay na kabanalan bunga ng katigasan ng puso, hindi nila naramdaman ang pangangail­angan nilang magbagong- buhay. Nanatili silang mapagmataa­s sa kabila ng panawagan ni Jesus. Dahil sa pagtanggi nila sa mensahe ni Jesus, binalaan sila ng Panginoon tungkol sa mabigat na kaparusaha­ng naghihinta­y sa kanila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines