Balita

PCSO, nagdagdag ng alokasyon sa IMAP

-

TINAASAN ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) ang pang-araw-araw na alokasyon sa 40 na sangay sa buong bansa para sa Individual Medical Assistance Program (IMAP), ayon kay General Manager Alexander Balutan.

Sinabi ni Balutan na ang pagtaas sa pang-araw-araw na paglalaan para sa IMAP, ay bahagi nang pinalawak na pinansiyal na suporta para sa mga gastusin sa medikal at kalusugan na magbibigay-daan sa PCSO upang makatulong pa lalo sa mas marami pang pasyente sa pamamagita­n ng 40 sa 60 na sangay nito sa buong bansa.

Sinabi ni Balutan na ang nasabing pagtaas ay naging epektibo noong Oktubre 1, na umabot sa higit sa P13 milyon kada araw o may pagtaas ng higit sa P4 milyon mula sa naunang alokasyon.

“We increased the IMAP daily allocation as our branch offices have limited IMAP funds to cover the needs of its clients resulting in delayed and inefficien­t delivery of services to the public,” pahayag ni Balutan.

“Layunin namin na tulungan ang higit pa sa ating mga kababayan na nangangail­angan ng tulong at bigyan sila ng pinakamain­am na serbisyo,” aniya.

Ang pang-araw-araw na alokasyon sa IMAP para sa Southern at Bicol Region ay nadagdagan mula P3.225 milyon hanggang P4.05 milyon habang ang Northern at Central Luzon ay nadagdagan mula P2.8 milyon hanggang P4.55 milyon, o may pagtaas ng P1.75 milyon.

Sa rehiyon ng Visayas, ang pang-araw-araw na alokasyon ay nadagdagan mula P1.9 milyon hanggang P3.2 milyon o may pagtaas ng P1.3 milyon habang ang alokasyon para sa IMAP sa rehiyon ng Mindanao ay nadagdagan mula P1.055 milyon hanggang P1.75 milyon.

Ang kabuuang pang-araw-araw na paglalaan ng IMAP para sa 40 na sangay na matatagpua­n sa buong bansa ay nadagdagan mula P8.98 milyon hanggang P13.55 milyon, o may pagtaas ng P4.57 milyon.

Sa pamamagita­n ng IMAP, gagarantiy­ahan ng PCSO ang pagbabayad sa mga gastusin sa kalusugan, kabilang ang confinemen­t sa ospital, gamot o paggamot sa kanser, dyalisis, transplant procedures, cardiovasc­ular procedures, pati na rin ang mga medikal na kagamitan, at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines