Balita

St. Clare at Fatima sa NAASCU Jrs. Finals?

-

GINIBA ng St. Clare College at Our Lady of Fatima University ang kanikanila­ng karibal sa semi-final match up para mapatatag ang kampanya na magkatagpo sa championsh­ip round ng NAASCU Season 17 juniors basketball tournament.

Dinurog ng St. Clare ang Arandia College, 101-67, habang naungusan ng Our Lady of Fatima ang Philippine Merchant Marine School, 79-78, sa Game 1 ng magkahiwal­ay na bestof-three series kahapon sa San Andres Sports Complex.

Ratsada si RV Jumaquio sa Baby Saints sa tinapos na 26 puntos at 14 rebounds, habang nag-ambag si Joshua Fontanilla ng 18 puntos, siyam na rebounds at walong assists.

Nanguna si Justine Guevarra na may 13 puntos, habang tumipa si Zuharto Mamaluba Jr. ng 11 puntos para sa Arandia, umusad sa semi-finals nang silatin ang AMA University.

Nakatakda ang Game 2 ngayon.

Hataw naman sa OLFU si Nikko Polo Panganiban sa naiskor na 24 puntos at walong rebounds, habang kumubra si John Paolo Dalupang ng 18 puntos.

Kumana si Panganiban ng walong puntos, tampok ang three-pointer may pitong minuto ang nalalabi sa final period para makontrol ng Baby Phoenix ang tempo ng laro.

Umabante ang Baby Phoenix sa 78-74 mula sa split free throw ni Panganiban may 1:26 nalalabi sa laro.

Nanguna si Joshua Carbajal sa Junior Mariners na may 30 puntos at 10 rebounds, habang humugot si Amonick Kue ng 19 puntos at 16 rebounds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines