Balita

Adamson at NU, lumapit sa PVL Finals

-

NANGIBABAW ang Adamson University at National University sa magkahiwal­ay na semi-finals duel para makalapit sa minimithin­g championsh­ip duel sa Premier Volleyball League ( PVL) Collegiate Conference nitong Miyerkules sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nalusutan ng Lady Falcons ang ratsada ng Far Eastern U Lady Tamaraws, 21-25, 25-22, 20-25, 25-14, 15-8, habang nanaig ang Lady Bulldogs sa Arellano Lady Chiefs, 25-17, 25-16, 25-23, sa Game One ng kani-kanilang best-of-three series.

Pinangunah­an ni Christine Soyud ang atake ng Adamson sa natipang 23 puntos, tampok ang krusyal na puntos para makuha ng Lady Falcons ang 13-8 bentahe sa deciding set.

Nag-ambag sina Bernadette Flora at Chiara Permentill­a ng tig-14 puntos, habang kumana si Mary Joy Dacoron ng 12 marker.

“I told them in the locker room I don’t think anyone has to play amazing. It’s about a team effort. And I think that’s why we won,” sambit ni Adamson American coach Airess Padda.

Hindi nakalaro ang Adamson star na si Jema Galanza bunsod ng injury, habang wala rin sa bench ng FEU si top hitter Bernadette Pons.

Nanguna sa Lady Tamaraws sina Toni Rose Basas at Jeanette Villareal sa naiskor na 17 at 13 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Sinandigan ni Jaja Santiago ang Lady Bulldogs sa natipang 24 puntos, kabilang ang huling kill na nagselyo sa panalo ng NU, habang kumana sina Risa Sato ng 11 puntos, Aiko Urdas at Jorelle Singh sa pinagsaman­g 15 puntos para sa ‘three-peat’ seeking Lady Bulldogs.

Nakatakda ang Game Two ng serye sa Sabado.

“Yung consistenc­y ng kanilang pagiging responsibl­e, somehow ginagawa nila. Hindi sila naglalaro ng bara- bara,” pahayag ni NU coach Babes Castillo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines