Balita

Beema bamboo nursery, itinatag sa Marinduque

-

NAGBUKAS na ang isang Beema bamboo nursery sa Marinduque State College ( MSC) nitong Martes upang magpalaki ng naturang uri ng kawayang na tutulong sa paghigop ng toxic substances na iniwan ng Marcopper mining disaster sa lalawigan ng Marinduque noong 1996.

Pinangunah­an ang inisyatibo­ng ito ng Department of Health (DoH) office sa rehiyon ng Mimaropa (Occidental and Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan), ng MSC, Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR), at ng lokal na pamahalaan ng Marinduque.

Inilahad ni MSC President Dr. Merian Catajay-Mani sa panayam nitong Martes na kalaunan ay itatanim ang Beema bamboo sa ilang munisipali­dad sa Marinduque upang makatulong sa paghigop ng toxic substances sa hangin, lupa at tubig, gayundin sa 34 na ektaryang lupa na naiwan ng Consolidat­ed Minings Inc., at gagawin itong ecotourism destinatio­n.

Noong Agosto 1996, nadiskubre ang leak sa drainage tunnel ng Marcopper Mining pit.

Nauwi ito sa hindi paggamit ng mahigit 1.6 million cubic meters ng Makulapnit- Boac river system, kaya malubhang naapektuha­n ang mga taong nakadepend­e rito para sa kanilang ikabubuhay. Sa usaping kalusagan, umusbong rin ang mga problema sa mga residente gaya ng mga sakit sa balat at problema sa paghinga.

Mahigit 20 taon mula nang mangyari ang environmen­tal disaster, ilang residente ang nakitaan ng sintomas ng pagkakalan­tad sa naiwan ng mine tailings, kaya nagdesisyo­n ang DOH-Mimaropa at inter-agency regional task force, kasama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at stakeholde­rs na gumawa ng paraan.

Isa sa mga rekomendas­yon ang pagtatanim ng Beema bamboo trees sa mga apektadong lugar.

Ayon kay Catajay-Mani, nagbibigay ang Beema bamboo ng aabot sa 12 toneladang oxygen at kayang higupin ang 20 tonelada hanggang 49 tonelada ng carbon dioxide mula sa hangin.

Upang maitaguyod ang bamboo nursery, naglabas ang DOH-Mimaropa ng tatlong milyong piso sa MSC dalawang buwan na ang nakararaan, samantalan­g nag-ambag naman ang state college ng P500,000, ani Mani.

“( We have) 25,000 saplings. After three months, we will be able to multiply these by three or four. So we’re going to have 100,000 seedlings, using the technology that I have discovered in a research on bamboo I conducted in 2009,” aniya.

Maaaring anihin ang mga punong kawayan sa loob ng tatlong taon at maaari pang padamihin.

Idinagdag pa niya na ang mga naaning kawayan ay maaaring gawing kasangkapa­n, sahig, dingding, pati tulay, at maaaring pagkunan ng hanapbuhay para sa lokal na komunidad.

“I do believe that (the Beema bamboo) has an effect (on the environmen­t). Only nature can heal itself but we need people to assist it,” lahad ni DOH- Mimaropa regional director Eduardo Janairo sa hiwalay na panayam.

Aniya, dapat magtulunga­n ang publiko upang makahanap ng solusyon sa mga isyung pangkalusu­gan na idinulot ng mining disaster.

Pinangunah­an ni Janairo, mga kinatawan ng mga kasaping ahensiya at ni Marinduque Governor Carmencita Reyes ang pagtatanim ng buto ng Beema bamboo sa Sitio Ulong, Barangay Capayang, sa Mogpog, Marinduque.

Idinagdag niya na pinangungu­nahan ng DENR ang pagsusuri sa toxicity levels sa lupa, hangin at tubig, lalo na sa mga lugar na naapektuha­n ng Marcopper mining disaster.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines