Post-traumatic stress, posibleng danasin ng maraming nakasaksi sa pamamaril
PARA sa mga nakaligtas sa pamamaril sa Las Vegas nitong nakaraang Linggo, ang paghilom ng emosyonal na sugat ay kasing tagal din ng pahilom ng mga tinamong pisikal na sugat.
Posibleng marami ang makaranas ng psychological fallout – mga doktor, nurse at bystander na nagbigay-lunas sa kanila, kasama ang mga saksi sa pinakamadugong mass shooting sa United States. Pangmatagalang posttraumatic disorder ang maaaring maranasan ng mga biktima.
ANG RESULTA
Ang takot, pakabalisa at muling pagkakaalala sa karanasan ay karaniwang emosyon pagkaraan ng mga araw at linggo. Itinuturing itong normal response sa traumatic event. Mananatili ang mga sintomas na ito ng mahigit isang buwan bago ituring na posible ang PTSD.
“It’s considered a psychiatric issue if your alarm system stays on instead of shutting itself off,’’ sabi ni PTSD expert Dr. Frank Ochberg, psychiatry professor sa Michigan State University. Pinag-aralan niya ang mass killings at tumulong sa paglikha ng International Society for Traumatic Stress Studies.
PTSD AT ANG UTAK
Ang PTSD ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa utak na mauwi sa mga sintomas, kabilang ang paulitulit na flashbacks at tuminding pagkabalisa na nakaaapekto sa pangaraw-araw na buhay. Ang karaniwang ingay na katunog ng pamamaril, tulad ng pagputok ng lobo, ay maaaring magbunsod ng pakataranta at matinding takot na posibleng ikaparalisa. Sa PTSD, ang rehiyon sa kailaliman ng utak na tinatawag na amygdala ay tumutulong sa pag- regulate sa fight- or- flight response at kung paano tumugon ang katawan sa takot, ay nagiging overactive. Ang mga resulta ay kinabibilangan ng pagpakawala ng stress hormones sa hindi akmang sandali. Maaaring mangyari ang pagtaas ng heart rate, blood pressure at pakiramdam ng pagkataranta kahit na walang totoong banta sa kaligtasan.
SINO ANG NANGANGANIB?
Ang mga taong nagtamo ng pisikal na sugat, nakaranas ng karahasan o aksidente ay kabilang sa maaaring magdebelop ng PTSD. Karaniwan ito sa bystanders na pinakamalapit sa pinangyarihan ng pag- atake at mga taong may kaugnayan o malapit sa mga biktima.
Ipinahihiwatig ng ilang pag-aaral na mas mahina rito ang kababaihan kaysa kalalakihan at maaaring magtaas din ng mga panganib ang genes o pre-existing anxiety o depression.
Ipinakita ng mga pananaliksik na ang PTSD ay karaniwan sa mga taong exposed sa mass shootings kaysa iba pang uri ng trauma, na ang antas ay umaabot sa 90 porsiyento na iniulat sa ilang pag-aaral.
LUNAS
Ang PTSD ay karaniwang nilulunasan ng psychiatric counseling at ilang gamot kabilang ang antidepressants o anxietyreducing drugs.
Ang counseling ay maaaring kabilangan ng paulit-ulit na pagpapakita sa mga pasyente ng mga simbolo ng pagatake, at maaari ring isama ang muling pagbisita sa shooting scene, kasama ang therapist na makatutulong sa upang maibsan ang kanilang reaksiyon.
Makatutulong din ang self- help kabilang ang physical exercise at pakikipag-usap sa iba tungkol sa pagatake at idinulot nitong takot.
PAGGALING
Ipinahihiwatig ng ilang pag- aaral na posibleng matagalan ang lubusang paggaling na aabot ng tatlong taon, o mas mahaba pa para sa mga hindi sumailalim sa treatment. Sinabi ni Ochberg na mahalagang huwag i- stigmatize ang mga tao na nagdebelop ng PTSD at kilalanin na ito ay isang pinsala, at hindi kahinaan.
Ayon kay Ochberg, ang PTSD “can affect anybody and by and large people return to normal eventually.”