Balita

Tristan at Toni, nagkaamina­n na

- –Reggee Bonoan

MAY unawaan na sina Tristan ( Daniel Padilla) at Toni/ Malia ( Kathryn Bernardo) sa episode na napanood nitong Miyerkules sa La Luna Sangre. Nagtapat na ang binata sa dalaga na tinanong din niya ng diretso kung gusto rin ba siya nito.

Hindi nabigo si Tristan dahil sinagot din siya agad ni Toni/Malia at umamin na ayaw nitong may masamang mangyari sa kanya sabay sabing, “Bago ka pa makaisip ng kung anu- ano, tara na umuwi na tayo” na ikinangiti ng binata.

Tiyak na nagbubunyi na ang KathNiel supporters na pagkatapos ng 14 na linggo sa ng La Luna Sangre ay opisyal nang may unawaan ang dalawang bida ng fantaserye­ng sinusubayb­ayan nila.

Nagsanib- puwersa na rin ang grupo ng Moonchaser­s sa pangunguna ni Prof T ( Albert Martinez) at grupong La Liga Unida nina Joross Gamboa, Ina Raymundo at Bryan Santos para masugpo na si Supremo/ Gilbert Imperial ( Richard Gutierrez) at Senator Paglinawan ( Freddie Webb).

Samantala, nalaman na ni Jacintha Magsaysay ( Angel Locsin) kung bakit hindi marunong magmahal si Supremo, dahil hindi pala ito nakaramdam ng pagmamahal simula pagkabata, hindi ito tanggap ng lolo’t lola at ng nanay na ikinulong pa siya.

Tanging ang yaya nito ang nagparamda­m ng pagmamahal sa bata at ito ang nagtakas nu’ng natunugang papatayin ang alaga hanggang sa napadpad sa kagubatan at kinuha ng misteryoso­ng si Barang at hindi na nakita simula noon.

Inaalam na ngayon ni Jacintha kung sino si Barang at gusto rin siyang makita ni Samantha ( Maricar Reyes-Poon) dahil isa rin pala siyang gabay tulad ni Jethro ( Dino Imperial).

Tiyak na marami pa ang nahahaluka­y na lihim sa La Luna Sangre.

Excited na kami kung kailan lalabas ang tunay na kapangyari­han ni Malia bilang bagong itinakda. Mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento ng La Luna Sangre dahil sabi ng source namin, posibleng abutin ito hanggang 2018.

 ??  ?? Daniel at Kathryn
Daniel at Kathryn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines