Balita

73% ng mga Pinoy takot ma-EJK

- Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

Pito sa bawat 10 Pilipino ang nagpahayag ng takot na mabiktima rin sila ng extrajudic­ial killings ( EJK), batay sa resulta kahapon ng Social Weather Stations (SWS) special report tungkol sa drug war ng gobyerno.

Sa nationwide survey sa 1,200 respondent noong Hunyo 23-26, 73 porsiyento (41% ang “very worried”, 32% ang “somewhat worried”) ang nababahala na sila na, o isang kakilala nila, ang susunod na mabiktima ng extrajudic­ial killing.

Samantala, 13% naman ang nagsabing sila ay “not too worried”, at 14% ang “not worried at all”.

Lahat ng Pinoy sa buong bansa ay nagpahayag ng takot na mabiktima rin sila ng EJK, na ang pinakamara­mi ay naitala sa Visayas sa 77% (48% ang very worried, 29% ang somewhat worried), kasunod ang Mindanao sa 75% (46% very worried, 29% somewhat worried), Metro Manila na may 73% (34% very worried, 40% somewhat worried), at ang iba pang lugar sa Luzon sa 70% (37% very worried, 33% somewhat worried).

Sa kaparehong survey period, natuklasan ng SWS na 90% ng populasyon ang naniniwala na mahalagang maaresto nang buhay ang mga drug suspect (68% “very important”, 22% “somewhat important”), na pinakamala­ki ang naitala sa Metro Manila sa 95% (77% very important, 18% somewhat important).

Nilinaw naman ng SWS na ang serye ng survey nito tungkol sa drug war ng gobyerno at sa extrajudic­ial killings ay hindi kinomisyon at sa sariling inisyatibo ng SWS bilang serbisyo publiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines