Balita

Aktres, asar sa Senate hearing sa fake news

- –Jimi Escala

KAMAKAILAN lang isinampa ni Sen.

Antonio Trillanes IV ang patungpato­ng na kaso kay PCOO Asst. Secretary Mocha Uson. Bunsod ito ng isang post ng huli tungkol sa sinasabing bank accounts diumano ng magiting at matapang na senador.

Inireklamo ni Sen. Trillanes sa Ombudsman ang dating sexy star ng libel, graft, falsificat­ion of public documents at paglabag sa code of ethics ng isang public official.

Pero sa isinagawan­g Senate hearing tungkol sa pagkalat ng fake news last Tuesday, nagpakuha pa ng picture si Mocha kay Sen. Trillanes sabay sabing ang gandang lalaki raw pala ng senador sa personal.

Pero sa totoo lang, maraming taga-showbiz ang hindi natutuwa, lalung-lalo na ang isang sikat na showbiz personalty, sa naturang Senate hearing sa fake news. Kahit fake news daw pala, pinagkakag­astahan na rin ng pera ng bayan. “Religiousl­y, eh, nagbabayad tayo ng buwis pero d’yan lang ba mauuwi ang ibinabayad natin? Ano’ng pakialam d’yan ng mga ordinaryon­g tao o ‘yung simpleng office worker lang? Sa totoo lang naman, eh, ang nakikinaba­ng lang sa ginagawa nila d’yan, eh, ‘yung mga taong mahihilig sa social media at siyempre ‘yung mga senador na nagpapaban­go o naglilinis lang ng mga pangalan nila,” sey ng aktres na halos araw-araw ay napapanood sa isang afternoon TV series. Dagdag himutok pa rin ng beteranang aktres, sana raw ay pagbuhusan na lang ng pansin ng mga senador ang iba pang mas importante­ng problema ng bansa lalung-lalo na ang problema sa trapiko, ang lalong dumaraming squatters at mga kababayan nating lalong naghihirap.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines