Balita

MABUTING BALITA

- Bar 4:5-12, 27-29 ● Slm 69 ● Lc 10:17-24

Tuwang- tuwang nagbalik ang Pitumpu’t dalawa at ang sabi: “Panginoon, mga demonyo ma’y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.” Sinabi naman ni Jesus: “Nakita kong bumagsak na parang kidlat si Satanas mula sa Langit. Binibigyan ko kayo ng kapangyari­hang yumapak sa mga ahas at alakdan. Masusupil n’yo ang lahat ng kapangyari­han ng kaaway, at walang anumang makapipins­ala sa inyo. Ngunit magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa Langit ang inyong mga pangalan.”

Nang sandaling iyo’y nagumapaw sa galak sa Espiritu Santo si Jesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng Langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama, naging kalugud-lugod ito sa iyo. Ipinagkati­wala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakila­la kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyaga­n ng Anak.”

Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sarilinan: “Mapalad ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.” PAGSASADIW­A:

Magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa Langit ang inyong mga pangalan.— Langit ang ating tunay na tahanan at Langit din ang ating tunay na huling hantungan. Pinaalalah­anan ni Jesus ang kanyang mga isinugong alagad na kung may dahilan man para sa kagalakang kanilang nararamdam­an bunga ng pagiging matagumpay sa kanilang misyon, ito ay walang iba kundi ang pagkakasul­at ng kanilang pangalan sa Langit. Maihahalin­tulad ang paggawa natin ng mga kabutihan sa pag-iimpok ng kayamanan sa Langit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines