Balita

BiGuel fans, nagseselos kay Marian

- Ni NITZ MIRALLES

TAMPOK

sa Magpakaila­nman ngayong gabi ang episode na “Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki: The Jeremy Sabido Story”. Gagampanan ni Miguel

Tanfelix ang role ni Jeremy Sabido, ang binatang inampon ng isang beki.

Naging contestant sa Wowowin si Jeremy na tipong artista at isinama niya ang adoptive father. Napanood si Jeremy ng mga taga- Magpakaila­nman at itatampok ang life story niya sa drama anthology hosted by Mel Tiangco. Maagang namatay ang ina at iniwan si Jeremy ng ama sa isang hotel at ang mga kapatid, inampon din ng iba’t ibang tao.

Isasama sa eksena sa Magpakaila­nman ang pambu- bully kay Jeremy ng mga kakilala at kaibigan dahil beki ang umampon sa kanya. Pero ipinagtata­nggol niya ang adoptive father na naging mabait sa kanya at pinagaral siya at ngayon ay malapit nang makatapos sa kolehiyo.

Gaganap bilang beking adoptive father si Cris Villanueva, si Daddy Pepito at kaibigan niya si Prince

Villanueva at marami pang iba sa direksiyon ni Neal del Rosario.

“Natsa- challenge ako sa mga role na ginagampan­an ko everytime naggi-guest ako sa Magpakaila­nman. Ang sarap lang magdrama, kaya everytime may offer for me to guest, hindi ko tinatanggi­han,” wika ni Miguel.

Samantala, nagkita uli sina Miguel at Marian Rivera nang mag-guest sina Miguel at Bianca

Umali sa Sunday Pinasaya. Tinukso na naman si Miguel sa open na pag-amin ni Marian na crush niya ang young actor.

Nagpakuha si Miguel ng picture nila ni Marian, nilagyan ng caption na, “Cover for my dream project. Libre lang mangarap!!!”

Lalong kinilig si Miguel dahil nagcomment si Marian na magaling siyang sumayaw, nagpa-thank you sa puri ni Marian, at humirit pa ng, “Grabe di na po ako makakatulo­g nito.”

‘Kaaliw lang dahil may mga nagselos na fans nila ni Bianca at sinabihan si Miguel na huwag magpo-post ng picture na kasama niya ang ibang babae dahil may ka-love team siya. Inakusahan pa siyang sinisira ang BiGuel love team.

‘Kaloka, di ba? Hindi na namimili ang fans, kahit sino na lang pinagsesel­osan at pati si Marian na very much married pinagselos­an.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines