Balita

Kanta ni Iñigo, kinoberan ng Airspoken

- Ni REGGEE BONOAN

NAGULAT sis Iñigo Pascual nang kantahin n ng American trio na Airspoken ang awitin niyang Dahil Sa ‘Y ‘Yo na ilang buwang number one sa Philippine Billboard Chart. Ini-r Ini-record ng Airspoken ang DahilDa Sa ‘Yo na inihalo sa aw awiting Havana at RockstarRo­ckst na napakagand­a ng re resulta dahil nagblend ang melody ng mga kanta kanta. Pr Proud na proud na ipinos ipinost ni Iňigo ang music video ng Airspoken, “Pleas Please Share! THIS IS AMAZI AMAZING! Never thought these song songs would go together AMAZING COVER!”

Nakakapagt­aka noong una kung paano napili ng trio ang kanta ni Iñigo para i-record, pero nalaman namin na personal pala nilang narinig ang Dahil Sa ‘Yo nang nagkaroon sila ng mall shows dito sa Pilipinas kamakailan at nagustuhan nila ang timbre ng boses ng binata.

Halos kaboses din ni Iñigo ang Airspoken at ayon sa manager nilang si Chris Vea, babalik ng Pilipinas ang grupo at planong manatili ng dalawang linggo para bisitahin ang Cebu at karatig bayan nito pati na ang Negros.

“We are aiming to have Airspoken back in the Philippine­s by late January to Early February of 2018,” sabi ng manager.

Samantala, napaka-busy ngayon ang nag-iisang anak ni Piolo Pascual sa kaliwa’t kanang commitment­s lalo na sa dumarami niyang product endorsemen­ts. Kasalukuya­n din siyang nagso-shoot ng bago niyang music video para sa next album at naghahanda na rin sa kanyang nalalapit na thanksgivi­ng concert bago matapos ang taon.

Paalis din si Iñigo kasama sina Yeng Constantin­o at KZ Tandingan para sa Dubai Music Festival ngayong Nobyembre.

Kaabang-abang din ang kanyang internatio­nal project na hindi pa puwedeng banggitin.

Bagamat mahal din ni Iñigo ang pag-arte na namana niya sa kanyang ama, mas nalilinya siya ngayon sa musika.

 ??  ??
 ??  ?? Iñigo
Iñigo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines