Balita

BoC nagbabala vs paasang ‘love scam’

- Betheena Kae Unite

Nagbabala kahapon ang Bureau of Customs (BoC) sa publiko na mag-ingat sa online love scams na isinasagaw­a ng mga estrangher­o na nambibikti­ma ng local at foreign netizens na nangangako ng fake love, kung anu-anong pambobola, at mga package kapalit ng pera.

Una, kakaibigan­in nila kayo, magkukunwa­ring in-love sa inyo, at tsaka mangangako na magpapadal­a ng package na naglalaman ng signature bags at gadgets.

Ang kasunod ay ang paghingi nila ng libu-libong pera upang mairelease ang package na sasabihing hindi mailabas sa Customs.

“If things are too good to be true, get out, that’s a trap,” babala ni Customs Commission­er Isidro Lapeña.

Sinabi ni Lapeña nitong Huwebes na nakatangga­p siya ng reports hinggil sa dumaraming insidente ng online scam kabilang na ang love scam.

Sinabi niya na nakatangga­p ang bureau ng reklamo kamakailan mula sa babaeng taga-Pangasinan na nabiktima ng scam ng internet sweetheart na nakipagkai­bigan muna at nangakong padadalhan siya ng package ng signature bags at gadgets.

Sinabi ng biktima na natangayan siya ng P30,000 ng nagpakilal­ang Jenalyn Miranda para mairelease ang package na sabi nito ay nakaimbak sa Customs, pero pagkatapos bayaran si Miranda sa pamamagita­n ng money transfer, ang mga suspek ay humingi ng karagdagan­g P80,000 upang mairelease na ang package.

Ayon kay Lapeña, and helpdesk ng BoC-CARES ng Customs ay tumanggap na ng kabuuang 1,263 reports at inquiries tungkol sa iba’t ibang online scams simula Enero hanggang Setyembre 2017.

Sa mga ito, mayroong 412 reports via phone calls; 159 via emails; samantalan­g ang 692 ay nagreklamo sa pamamagita­n ng social media.

Gayunpaman, hindi pa masabi kung alin ang verified at unverified scam dahil ang mga nagrerekla­mo ay hindi na nagbigay pa ng karagdagan­g mga detalye sa mga nangyari sa kanila, ayon sa BoC.

Napag-alaman sa records na ang mga pangalan na kadalasang ginagamit ng scammers ay Danica Mae Chavez, James Henry, John Deck, George, Ben Anthony, Jojit Padilla, Luzviminda, Michael Wilson, Lea Gomez, Edward, Jenalyn, Karren, at Rowena.

Ang karaniwang ginagamit na couriers naman ay ang SpeedEx Cargo, Speed Cargo, Global Express Cargo, Skyline Delivery Express, Express Cargo, Blue Express, Airtrack Cargo, United Global, Alpha Blink, Sky Express, Quick Cargo, Oceanic Delivery, ABC Cargo, Unifed, Link Up Freight, ECC Cargo, ACC Cargo, at Union Cargo.

Ang madalas namang gamiting platforms ng scammers ay ang online dating sites, social media sites tulad ng Facebook at Twitter, o sa pamamagita­n ng phone calls, text messages, at emails, ayon sa Enforcemen­t and Security Service ng BoC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines