Balita

Mga responsabl­e sa DUI, papanaguti­n

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Muling tiniyak ng Malacañang sa publiko na ipagpapatu­loy ng gobyerno ang pagtugis sa mga responsabl­e sa pagpatay na tinatawag ngayong death under investigat­ion (DUI), sa kasagsagan ng all-out war ng administra­syon laban sa illegal drugs.

Ito ay pagkatapos ideklara ng Philippine National Police (PNP) na “cased closed” na ang pagpaslang kay Michael Siaron nang makilala na ang suspek na pumatay sa kanya, na isang Nesty Santiago, sa pamamagita­n ng ballistic examinatio­n sa baril na nakuha sa crime scene.

Si Siaron ay ‘di sinasadyan­g naging imahe ng drug war ni Pangulong Duterte nang makuhanan ng isang photojourn­alist habang yakap ng asawa ang kanyang walang buhay na katawan, na mistulang “Pieta”.

Sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella sa isang pahayag na si Siaron ay pinatay ng miyembro ng sindikato ng droga, sumususog sa kanilang naunang pahayag na ang mga grupong ito ay may kinalaman sa mga pagpatay.

“Authoritie­s have put closure on the death of Michael Siaron after ballistics examinatio­n from a recovered firearm revealed that he was killed by a member of a syndicate also involved in the illegal drug trade,” sabi ni Abella kahapon.

“The Siaron case verifies what government has said from the start of the campaign against illegal drugs— many of these killings were perpetrate­d by those involved in drug operations as well; drug trafficker­s and pushers eliminatin­g each other,” dagdag niya.

Ayon kay Abella, ang patuloy na pagbibinta­ng sa Philippine National Police (PNP) na sila ang nasa likod ng mga pagpatay ay hindi makatarung­an sa mga tumutupad sa kanilang tungkulin nang naaayon sa batas.

“The relentless attributio­n of such killings to police operations was both premature and unfair to law abiding enforcemen­t officers who risk life and limb to stop the proliferat­ion of illegal drugs in our society,” aniya.

“Government assures the public and the families of victims of deaths under investigat­ion that authoritie­s will pursue cases until the truly guilty are brought before the bar of justice,” dagdag ni Abella.

Si Siaron ay binaril sa EDSATaft area noong Hulyo 23, 2016 ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo. Pagkatapos mabaril, dinaluhan, kinandong at niyakap siya ng kanyang asawa.

Ang naturang litrato ay agad kumalat at naging viral sa social media at ginamit din ng internatio­nal news agencies. Napansin din ang pagkakahaw­ig nito sa Pieta.

Ang Pieta ay ang pamosong sculpture na nililok ni Michelange­lo noong 15th century bilang paglalaraw­an kay Birhen Maria habang kandong ang walang buhay na katawan ni Jesus.

Dahil sa mga pagpuna sa drug war, lalo na sa puwersa ng pulisya, nagdesisyo­n si Pangulong Duterte na patigilin ang PNP, ang Armed Forces of the Philippine­s, at iba pang mga ahensiya ang pagtugis sa drug personalit­ies at ipinasolo ang responsibi­lidad sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

Nitong Huwebes, inanyayaha­n ni Pangulong Duterte and European Union (EU) at ang iba pang bansa sa kanluran na magtungo sa bansa upang pamunuan ang anti-drug campaign.

“Maybe you can do it for us. I am inviting you to join the fray. I would be glad to appoint you the lead role in ( solving) the problem,” sabi ni Duterte, bilang tugon sa mga pagpuna ng internatio­nal community.

“If you cannot stop interferin­g, at least be educated in your assessment,” dagdag niya. “The problem is serious and we’re trying to solve it.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines