Balita

Online sexual exploitati­on hot spots, tutukuyin

- Jeffrey G. Damicog

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tutukuyin ng gobyerno ang hot spots ng online sexual exploitati­on sa bansa.

Ayon sa kalihim, nakikipagt­ulungan ang law enforcemen­t agencies ng pamahalaan sa Internatio­nal Justice Mission (IJM) sa pagtunton sa hot spots.

“IJM alongside the Philippine government for investigat­ion would formulate activities that would focus on geographic­al hot spots for online sexual exploitati­on of children,” sabi niya sa isang pahayag.

“Henceforth, this will further enhance the protection of vulnerable children in target regions and nationalit­y,” sabi ni Aguirre, na siya ring chairman ng Interagenc­y Council Against Child Traffickin­g (IACAT).

Sinabi ni Aguirre na ito ay bahagi ng magkakasun­od na aktibidad sa ilalim ng Child Protection Compact (CPC) partnershi­p ng Pilipinas at ng United States.

Binanggit din niya ang ipinagkalo­ob na $3.5 million o P175 milyon ng Office to Monitor and Combat Traffickin­g in Persons (TIP Office) ng US State Department, sa implementi­ng partners na IJM at Salvation Army World Service Office.

“Being the first in the region, the CPC partnershi­p aims to support sustainabl­e improvemen­ts to combat online sexual exploitati­on of children and child labor traffickin­g and to expand specialize­d child protection services and prevention efforts to further improve the coordinati­on among coordinati­ng agencies,” paliwanag niya.

Inihayag din ni Aguirre na ang IJM at ang Salvation Army ay nagsimula nang makipagtul­ungan sa pamahalaan ng Pilipinas at sa iba pang civil society organizati­ons upang lalong mapatibay ang pagsisikap ng pamahalaan “to investigat­e, prosecute, and convict child trafficker­s; give a wide-ranging, trauma informed care for child victims of such crimes; and to stop online sexual exploitati­on of children and forced labor from happening.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines