Balita

UST makikipagt­ulungan sa hazing case

DIVINA SUPORTADO NG LAW PROFESSORS

- Mary Ann Santiago

Muling tiniyak ng pamunuan ng University of Sto. Tomas (UST) na handa itong makipagtul­ungan sa isinasagaw­ang imbestigas­yon ng mga awtoridad upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng law student nitong si Horacio Tomas “Atio” Castillo III, dahil sa hazing.

Sa pahayag ng UST nitong Biyernes ng gabi, nagpahayag din ng pagkabahal­a ang unibersida­d sa naging pahayag ni Senator Chiz Escudero sa isang press briefing na ‘tila wala umanong aksiyon ang eskuwelaha­n sa pagkamatay ni Atio matapos sumailalim sa hazing ng Aegis Juris fraternity.

Mariinnama­nitongpina­bulaanan ng UST, at iginiit na, “On the contrary, on the first day the news broke out, the University manifested its grief, offered prayers, and conveyed its profound sympathy to the family of Horacio.”

Giit pa ng UST, kinondena nito ang walang saysay na uri ng karahasan na ikinasawi ni Atio, nagdeklara ng araw ng pagluluksa, at bumuo ng komite para mag-imbestiga at malaman ang katotohana­n alinsunod sa batas at sa due process, bukod pa sa pakikipag-ugnayan sa Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigat­ion (NBI).

Kasabay nito, nagpahayag ng suporta ang mga law professor ng UST kay College of Law Dean Nilo Divina hinggil sa alegasyon na nagkaroon ng cover-up sa pagkamatay ni Atio.

Sa “Manifesto of Support” ng UST Faculty of Civil Law Professors, nagpahayag sila ng paniniwala na umaksiyon nang patas at nararapat si Divina bilang isang Dean.

Sa Senate hearing sa kaso noong nakaraang linggo, hinimok ni Senator Grace Poe si Divina na mag-leave muna habang sinisiyasa­t ang kaso, pero tumanggi ang dean.

Miyembro rin ng Aegis Juris fraternity, iginiit ni Divina na nanatili siyang neutral sa kaso at dumistansi­ya na rin siya sa frat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines