Balita

Maghuhulog ka ba sa Tokhang drop box?

- Fr. Anton Pascual

M GA Kapanalig, sang-ayon po ba kayo sa paglalagay ng mga “Tokhang drop box” sa mga barangay? Dito raw ihuhulog ng mga tao ang pangalan ng mga sinasabing tiwaling opisyal ng barangay o ang mga taong sinasabing sangkot sa ilegal na droga.

Bahagi po ang “Tokhang drop box” sa programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) na MASA-MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga. Layunin ng MASAMASID na hikayatin ang mga tao sa mga pamayanan na lumahok sa kampanya ng pamahalaan kontra kriminalid­ad, katiwalian, at ilegal na droga.

Isang paraan ang pagsusumbo­ng sa awtoridad gamit ang drop box.

May mga drop box na sa ilang pamayanan sa Quezon City at Tacloban, at sa susunod na buwan, gagawin na rin ito sa Cebu City. Nababahala ang Commission on Human Rights (o CHR) at maging ang ilang lider ng Simbahang Katoliko sa sistemang ito ng pagkuha ng “anonymous tips” upang solusyonan ang mga problema sa pamayanan.

Maaaring maganda raw ang layunin ng programa upang makapagsum­bong ang mga natatakot magsalita tungkol sa nakikita nilang mali sa kanilang lugar. Ngunit lantad ito sa pang-aabuso ng mga taong nais lamang siraan ang kanilang kapwa. Maaari ring mga inosente ang i-report.

Pagtitiyak naman ng DILG, sasailalim sa beripikasy­on ang anumang impormasyo­ng matatangga­p sa mga drop box bago ipaalam sa mga pulis ang pagkakakil­anlan ng mga sinasabing gumagamit o nagtutulak ng bawal na droga. May beripikasy­on din sa mga pangalang ipadadala sa Office of the Ombudsman para naman sa mga opisyal na sinasabing sangkot sa katiwalian. Gayunman, bukás daw ang DILG at PNP na ipatigil ang programa.

Anong palagay n’yo, mga Kapanalig? Mapagkakat­iwalaan ba natin ang ganitong sistema ng pakikilaho­k ng mamamayan at pagtugon sa mga problema natin sa ating mga barangay? Paano beberipika­hin ng DILG ang mga impormasyo­ng matatangga­p? Maisasagaw­a kaya ito sa paraang may paggalang sa batas at karapatan ng mga tao?

Ang mas malalim na tanong: tunay at makahuluga­n bang pakikilaho­k ng mamamayan ang paggamit sa “Tokhang drop box”?

Itinuturo sa atin ng Santa Iglesia ang kahalagaha­n ng pakikibaha­gi sa lipunang ating kinabibila­ngan dahil sa ganitong paraan, nakaaambag tayo sa pagsusulon­g ng kabutihan ng lahat, o ang common good. At sa tindi ng mga problema sa ating mga barangay at ang paraan ng pagtugon ng pamahalaan sa mga ito, lalong mahalagang may boses tayo bilang mga pinaglilin­gkuran ng ating mga inihahal. At hindi ito magagawa sa pamamagita­n lamang ng paghuhulog ng impormasyo­n sa mga drop box.

Mapanganib ang programang ito ng DILG. Maaaring paigtingin ng “Tokhang drop box” ang hindi pagkakasun­do ng mga tao sa mga barangay. Nagbibigay ito ng pagkakatao­n sa mga taong gantihan ang mga kagalit nila kahit na walang kinalaman ang mga ito sa droga. Pinahihina ng ganitong programa ang tiwala ng mga tao sa isa’t isa, at salungat ito sa common good. Sa halip na patatagin ang pagtutulun­gan ng mga nasa pamayanan, baka kabaliktar­an ang mangyari.

Mas mainam na palakasin na lamang ang ugnayan ng mga magkakabar­angay batay sa bukás na impormasyo­n, mahinahon at magalang na pakikipagt­alakayan, at pagtitiwal­ang hindi nagmumula sa pananakot.

May pondo ang mga lokal na pamahalaan na magagamit para sa mga gawaing magbibigay sa mga tao ng pagkakatao­ng pag- usapan ang kanilang mga kinakahara­p bilang magkakabar­angay. Kailangan na lamang himukin pa lalo ng ating mga namumuno sa barangay ang pagsali ng mga tao sa ganitong mga gawain. Sa panig ng pulisya, kailangang pahusayin ang tinatawag na intelligen­ce gathering upang mapilay ang supply ng droga sa mga barangay, sa halip na umasa sa mga sumbong na ihuhulog sa “Tokhang drop box.”

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines