Balita

Marawi, laya na nga ba?

- Bert de Guzman

N OONG isang linggo, napatay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang itinuturin­g na “utak at puso” ng teroristan­g Maute-ISIS-ASG-Group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute. Si Hapilon, bukod sa pagiging lider ng kilabot na Abu Sayyaf Group (ASG) ay siya ring “emir” ng ISIS sa Mindanao at Southeast Asia. Si Omar naman ay kabilang sa magkakapat­id na nagtatag sa pusakal na Maute Group.

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang personal na nagtungo sa Marawi City noong Martes upang ihayag na “Marawi is liberated.” Kasama niya sa pagtungo roon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año at ang paboritong PNP Chief Director General Roland “Bato” dela Rosa. Sa kabila nito, isang English broadsheet ang may banner story noong Miyerkules: “Marawi ‘liberated’ But Battle Drags On.”

Batay sa pahayag ni Mano Digong, “nakalaya” na ang Marawi sa mga terorista. Simula ito ng malawakang rekonstruk­siyon at rehabilita­syon ng durog at wasak na siyudad ng mga Maranaw. Gayunman, sinabi ng militar na patuloy pa ang bakbakan dahil may natitira pang 30 terorista, bukod pa sa sinisikap ng AFP na mailigtas ang may 20 hostages.

Patuloy na hinahanap at ginagaluga­d ng mga sundalo ang mga lugar sa Marawi City upang hanapin at maneutrali­ze ang Malaysian na si Mahmud Ahmad, ang pumalit umanong “emir” kay Ispilon.

Siya ang pinaniniwa­laang financier at recruiter na tumulong sa koalisyon ng pro-ISIS fighters na sumalakay sa siyudad noong Mayo 23. Si Ahmad ay nagsanay sa al-Qaeda camp sa Afghanista­n. “Based on our informatio­ns, there is still one personalit­y, Dr. Mahmud of Malaysia, and he is still in the main battle area with some Indonesian­s ang Malaysians,” pahayag ni Gen. Ano. Sa pinakahuli­ng ulat, napatay na ng mga sundalo si Ahmad.

Malaking pinsala ang nalasap ng Marawi City at ng may 200,000 residente nito dahil sa pag-okupa ng Maute-ISIS-ASG group. Sa hangaring malipol ang mga terorista, walang lubay ang ginawang pambobomba ng Philippine Air Force (PAF) sa utos ni PRRD. Wasak at durog ang mga gusali, paaralan, bahay at istruktura na pinagsikap­ang itayo at ipundar ng mga Maranao.

Si Mano Digong ay may dugong-Maranao at dama niya ang hapdi ng kalooban at pagdurusa ng mga kadugo sa pagkawasak ng lungsod, na ipinagmama­laking Islamic City sa buong Mindanao. ‘Di ba sinabi niya noon na huwag siyang pilitin na magdeklara ng martial law sa Mindanao dahil “I will be harsh”, bunsod ng kaguluhan at karahasan sa katimugan?

Habang isinusulat ko ito, nagbabakba­kan pa rin ang mga tropa ng gobyerno at ang nalalabing mga terorista. “We’re making sure no hostages and fighters are left,” sabi ni Col. Romeo Brawner, Joint Task Force Ranao deputy commander. Ayon naman kay Maj. Gen. Restituto Padilla Jr., AFP spokesman, may 20-30 pang...

terorista, kabilang ang walong foreign fighters, na nasa Marawi.

Nagkakaini­tan ang dalawang dating opisyal ng PNP at AFP na sina Sen. Panfilo Lacson at ex-BoC Commission­er Nicanor Faeldon. Ito ay tungkol sa isyu ng kurapsiyon. Inaakusaha­n ni Sen. Ping si Faeldon na tumanggap ng P100 milyon “pasalubong” ( P107 milyon daw) bilang bagong Customs commission­er. Inaakusaha­n naman ni Faeldon ng smuggling ang anak ni Ping na si Pampi. Mag-abang na lang tayo ng susunod na kabanata sa “bakbakang ito” ng dalawang opisyal.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines