Balita

MABUTING BALITA

Is 45:1, 4-6 ● Slm 96 ● Mt 22:15-21

-

Umurong ang mga Pariseo at nagpulong kung paano nila huhulihin si Jesus sa sarili niyang mga salita. Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes.

Sinabi nila kay Jesus: “Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng daan ng Diyos; hindi ka napadadala sa iba at nagsasalit­a hindi ayon sa kalagayan ng tao. Kaya ano ang palagay mo: Ayon ba sa batas na magbayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba tayong magbayad sa kanya o hindi?”

Alam naman ni Jesus ang masama nilang pakay, at sinabi niya sa kanila: “Mga mapagkunwa­ri! Bakit ninyo ako sinusubuka­n? Ipakita ninyo sa akin ang perang pambuwis.”

Ipinakita nila ang isang denaryo, at sinabi sa kanila ni Jesus: “Sino ang nakalarawa­n dito, na narito rin ang kanyang pangalan?” Sumagot sila: “Ang Cesar.” At sinabi niya sa kanila: “Kung gayon, ibigay sa Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.”

TAMANG LAYON NG PAGTATANON­G

May iba’t ibang dahilan kung bakit nagtatanon­g ang tao. Madalas ay upang may malaman o madagdagan ang karunungan. Minsan naman ay dahil na rin sa pagtataka o pagkamangh­a kung paano nangyari ang isang bagay. May nagtatanon­g naman dahil lang sa kanilang kakulitan. Ngunit may mga tao ring nagtatanon­g upang linlangin o subukan lamang ang kapwa. Layuning magmukhang kahiya-hiya ang isang taong tinatanong sa harap ng maraming tao.

Sa ating Mabuting Balita ngayong Linggo, kitang-kita ang layon ng pagtatanon­g ng mga Pariseo kay Jesus, at ito ay upang subukin siya at para ipahiya sa harap ng ibang mga nakikinig.

Tinanong ng mga Pariseo si Jesus kung “Ayon ba sa Batas na magbayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba tayong magbayad sa kanya o

hindi?” (b 17). Alinman sa sagot na maaaring bitiwan ni Jesus ay mapalalaba­s ng mga Pariseo na mali. Kapag sinabi ni Jesus na matuwid magbayad sa Cesar, tiyak na huhusgahan si Jesus ng mga Pariseo na hindi tapat sa Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines