Balita

I’m getting old and I have to stop childish things --Hero Bautista

NORMAL NA ANG BUHAY

- Ni JIMI ESCALA

PRESENT si Councilor Hero Bautista sa State of the City Address ( SOCA) ng kapatid niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista last Monday sa plenaryo ng Quezon City Hall. Present din ang mga kasamahan niyang konsehal na kagaya ni Coun. Precious Hipolito-Castelo at ang kanyang asawang Cong. Winston Castelo. Normal na raw ang buhay ngayon ni Hero Bautista at nakakapagl­ibot na rin siya sa kanyang constituen­ts pakatapos manatili ng isang taon sa drug rehabilita­tion Center.

Puring-puri si Hero ng mga kasamahan niyang konsehal sa kusang pag- amin sa kanyang pagkakamal­i. Hindi rin ikinahihiy­a ng konsehal ang kanyang pagpasok sa rehab. Hinarap rin ni Hero ang reporters at sinagot ang lahat ng mga tanong tungkol sa kanyang pagkakalul­ong sa masamang bisyo.

August 2016 nang boluntaryo­ng pumasok sa rehabilita­tion center si Hero para tuluyan nang wakasan ang pagkakagum­on sa paggamit ng ipinagbaba­wal na gamot.

“Ito, mabuti na po ako ngayon. Nagtatraba­ho na tayo. I am working for good at nakumpleto ko na ang programa sa rehabilita­tion center,” sabi ni Hero.

Idinagdag niya na sa naturang rehab center siya tuluyang nakataliko­d sa dating bisyo. “Kailangan nating magtrabaho talaga. May obligasyon tayo para sa mga constituen­ts natin at siyempre sa dalawang anak ko. I’m getting old and I have to stop childish things and I have to concentrat­e on my work for my kids,” sey pa ni Konsehal Bautista.

H ind i kinalimuta­n ni Hero na magpasalam­at sa mga nasasakupa­n niya.

“Salamat sa kanila dahil tinanggap pa rin nila ako. They missed me a lot. They are looking forward for me to be with them and serve them,”aniya.

Inamin ni Hero na marami siyang natutuhan sa loob ng isang taong pagpapa-rehab.

“Natutunan ko ‘ yung selfrespec­t, humility and acceptance na I have to bear with myself, na kailangan mag- mature na ako and of course, it is time for me to concentrat­e and focus sa work, sa pagiging father ko and siyempre to serve my constituen­ts,” seryosong lahad niya.

 ??  ?? Hero
Hero

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines