Balita

Teddy Corpuz, muling pinakasala­n si Jasmin

- Ni ADOR SALUTA

MARTES, Oktubre 17, ang “Magpasikat” number ng Team Vice, Juggs at Teddy sa ongoing anniversay celebratio­n ng It’s Showtime. Noong nakaraang Lunes, Oktubre 16, sina Billy Crawford, Amy Perez at James Reid ang unang nagpasikla­b sa kanilang “Salamangka” production number. Pero sinorpresa ng It’s Showtime host at Rocksteddy band member na si

Teddy Corpuz ang madlang pipol nang mag- propose siyang muling pakasalan ang wife na si Jasmin for the second time, on live TV.

Emosyonal siyang nagbigay ng mensahe sa kanyang wife.

“Eleven years ago nu’ng magkakilal­a tayo. Noong una pa lang kitang makita alam kong ikaw na ‘yung babaeng para sa akin,” umpisa ni Teddy habang ginaganap ang show sa loob ng Studio 3 ng ABS-CBN. “Lagi mong sinasabi sa’kin na never akong nag-propose sa’yo. Kaya nga, sa harap mo at sa harap ng buong mundo, gusto kitang tanungin. Babe, will you marry me again?” ani Teddy habang nagpapahid ng luha. “Yes” naman ang sagot ni Jasmine. Agad niyang isinuot ang bagong wedding ring na aniyang pinag-ipunan niya sa ring finger ng kanyang wife.

Si Jasmine na nasa audience kasama ang kanilang dalawa anak ay iniskorteh­an ng staff at binihisan ng nakahandan­g wedding gown bago nagtungo sa stage.

Mu l ing nagsumpaan ang dalawa sa harap ni Pastor Joseph Etienne Morales sa stage ng It’s

Showtime. Nag-kiss sila nang muling ipahayag na sila ay mag-asawa na. Si Vice Ganda ang umawit sa wedding ceremony.

Ayon kay Teddy, hindi niya sinabi kaninuman ang plano niya, pati na sa kanilang mga anak, na muli niyang yayayaing magpakasal si Jasmine. Ang sabi niya sa asawa at mga anak, magkakaroo­n sila ng pictorial sa kanyang cohost na si Anne Curtis para sa nalalapit nitong kasal with Erwin Heusaff sa December.

 ??  ?? Teddy at Jasmin
Teddy at Jasmin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines