Balita

TAMBULISLI­S

- NI BOBBY VILLAGARCI­A

Ika-55 labas

NANG

may manabotahe sa kanilang sasakyan, at pinasingaw ang gulong ng kanilang sasakyan, hinala ng limang lalaking nagsubayba­y kina Mang Edgardo at Mang Daniel na maaaring ang mga nilikhang tambulisli­s ang gumawa noon.

“Tama si boss,” wika ni Rading. “Tiyak na nilikhang tambulisli­s ang nagpapusli­t ng hangin sa mga gulong ngating saasakyan!”

“Tama ka, Rading,” sagot ni Sendong. “Tiyak ko ring ang nilikhang ito ang gumawa ng bagay na ‘yun. Biniro tayo ng mga tambulilis dahil likas nilang ginagawa ang bagay na ito.”

“Wala nang iba, tambulisli­s ang nagpapusli­t ng hangin sa gulong ng ating sasakyan,” singit ni Dodong. “Kahit hindi ko narinig ang maliit at matinis na boses ng nilikhang ito, hindi tayo nagkakamal­i ng hinala!”

“Buti pa testingin mo ang gulong kung tama pa ang hangin,” suhestyon ni Harry. “Hindi natin puwedeng patakbuhin nang mahina ang hangin sa gulong dahil kapag lumala ang aberya, sabon ang aabutin natin kay Don Andres!”

“’Yun nga ang inaalaala ko, kaya kanina ko pa kayong gustong tawagan,” wika ni Rolan. “Kaya lang nag-alaala akong mabulilyas­o ang misyon natin sa barangay na ito.”

“Talagang mali kung ginawa mo ang bagay na ‘yun,” sagot ni Harry. “Kaya ituloy mo na ang gagawin sa mga gulong para malaman natin kung kaya pang bumiyahe sa barangay road.”

At tulad ng ginawa ng nagmamaneh­o ng malaking trak na kinargahan ni Mang Abe at mga kasamang kalalakiha­n na pumutol sa malalaki at mahabang kawayan, kumuha ng kaputol na bakal si Rolan sa tool box ng sasakyan. Isa-isa niyang pinukpok ang mga gulong ng sasakyan dahilan para mapailing sina Dodong, Sendong, Rading at Harry. Dahil sa nalikhang tunog, natiyak nilang kulang ang hangin sa mga gulong ng sasakyan.

Dahil sa naramdaman­g inis, sabay na iginala ng limang tauhan ni Don Andres ang paningin sa paligid ng nakaparada nilang sasakyan. Nagbabakas­akali silang makita ang mga nilikhang hinihinala nilang may kagagawan ng paghina ng hangin ng mga gulong ng kanilang sasakyan.

Ngunit dahil gumamit ng kapangyari­hang tagabulag ang mga tambulisli­s, hindi nakita ng limang tauhan ni Don Andres ang hinahanap na nilikha kahit nasa bubungan lamang ng kanilang sasakyan.

“Wala akong makitang nilikhang tambulisli­s kahit saang dako sa lugar na ito,” wika ni Harry. “Kayo, may nakita?”

“Wala rin akong nakitang kakaibang nilikha kahit nagalugad ko na ng tingin ang palibot ng lugar na kinaroonan natin,” sagot ni Rolan.

“Wala rin akong nakitang tambulisli­s, boss,” wika ni Sendong. “Baka umalis na ang mga nilikhang ’yun matapos magawa ang biro sa ating sasakyan.”

“Hindi ‘yun ang hinala ko,” sagot ni Harry. “Tiyak na narito pa sa paligid ang mga nilikhang tambulisli­s, hindi natin makita dahil ginamit ang kapangyari­hang tagabulag.”

“Boss, kapangyari­hang tagabulag?” Tanong ni Rolan. “Anong klaseng kapangyari­han ‘yun?”

“Oo nga, boss,” wika ni Dodong. “Wala kasi akong hilig sa bagay na may kinalaman sa ganyang pangyayari.”

“Kapangyari­hang hindi makita ng tao kahit nasa paligid lang ang mga nilikhang tambulisli­s,” paliwanag ni Harry. “Kabilang ang tagabulag sa maraming kapangyari­hang taglay ng nilikhang ito.”

Dahil nakuntento ang apat na kasama ni Harry sa paliwanag niya sa kapangyari­hang tagabulag ng nilikhang tambulisli­s, muling lumapit si Rolan na bitbit ang kaputol na bakal sa mga gulong ng sasakyan. Muli, isaisa niyang pinukpok ang mga gulong para matiyak na totoo ang nabuo nilang hinala.

Dahil gabi at tanging mga insektong kuliglig ang gumagawa ng ingay sa bahagi ng barangay, dinig na dinig nina Harry, Dodong, Rading, at Sendong ang ingay na nalikha sa pagpukpok ni Rolan sa mga gulong ngsasakyan ng kaputol na bakal.

Tulad ni Rolan, nanlumo ang apat niyang kasamahan dahil maraming hangin ang nawala sa mga gulong ng sasakyan. Ngunit hindi nagtaka si Rolan sa nangyari dahil maraming beses niyang narinig ang ingay sa pagpuslit ng hangin sa pitong mga gulong.

Isang mahiwaga at kataka-takang pangyayari­ng tiyak niyang kagagawan ng mga tambulisli­s, kahit hindi narinig ang maliit at matinis na hagikhik ng nilikha. Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines