Balita

Fajardo: Kapantay na sina Alvin at Mon

- Ni MARIVIC AWITAN

BAGAMAT hindi na ikinagulat ng lahat, nasorpresa pa rin si San Miguel Beer slotman June Mar Fajardo nang tanghalin siyang PBA’s Most Valuable Player sa ikaapat na sunod na taon .

“‘Di ko ine-expect na matatie ko ‘yung record,” pahayag ng 27-anyos na Cebuano na ngayo’y kahanay na ng PBA legends na sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio bilang 4-time MVP. “[Pero] masaya ako na nakuha ko MVP.

“Thankful din ako sa teammates ko, kasi ‘di ko makukuha ‘to kung ‘di dahil sa kanila.”

Kabilang sa kanyang mga tinutukoy ay mahigpit pa niyang nakatungga­li sa MVP race na sina Beermen guards Alex Cabagnot at Chris Ross.

“Nakakatuwa kasi parang patunay ‘yun na ‘di lang isa o dalawang tao gumagawa sa San Miguel, kundi kami lahat,”ani Fajardo. “Sa practice competitiv­e kami. Gusto naming lahat manalo. Pero thankful ako na lahat kami nandoon.”

Ngunit sa kabila ng natamong parangal, mas matimbang pa rin para kay Fajardo ang magwagi ng kampeonato. “‘Di ko talaga priority MVP. Mas gusto ko championsh­ip.”

“Mas masaya ‘yung feeling na nakita mo mukha ng mga kasama mo, fans, pamilya, mas maganda feeling,” dagdag into.

Nais din niyang maging isang mabuting halimbawa at idolo para sa mga kabataan.

“Gusto kong maalala ng tao na ‘di lang sa dami ng awards or championsh­ips. Gusto kong maalala ako kung ano ako sa PBA,” aniya.

“Kung naging magandang example ako sa mga kabataan, yun ang gusto kong iwan.”

 ??  ?? FAJARDO: Kaya ang anim na MVP
FAJARDO: Kaya ang anim na MVP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines