Balita

Panalo ni Junrey, hindi Navarra

-

DANAO CITY – Naungusan ni Junrey Navarra ng Navy-Standard sa paspasan sa finish si local bet Jonel Carcueva ng Go for Gold para manguna sa ikalawa at huling qualifying race para sa LBC Ronda Pilipinas 2018 kahapon sa Plaza Rizal dito.

Nakuha ni Navarra, 25, ang tiyempong tatlong oras, 58 minuto at 35.3 segundo, para magapi ang 22anyos na si Carcueva sa 161-kilometro na karera at makasiguro ng slots para sa main race sa Marso.

Naging pambawi ito ni Navarra, three-time winner ng LBC Ronda King of the Mountain, mula sa kabiguang natamo niya sa unang qualifying race sa Tarlac City nitong Setyembre.

“That’s really my goal, to qualify,” sambit ni Navarra, pambatong siklista ng General Santos City.

Nagtamo ng pananakit sa binti si Carcueva, seeded na sa 2018 edition ng pinakamala­king karera ng bisikleta sa bansa matapos ang 12th place finish sa unang qualifying, kaya hindi na niya pinilit na humabol sa karibal.

“I had cramps but I fought it off. I gave my best but I cramps hit me again in the final 10 kilometers,” pahayag ni Carcueva.

Pangatlo ang isa pang Navyman na si Ronald Oranza (3:59:16.10), habang pang-apat si Cebu City pride John Michael Mier ng Go for Gold (3:59:17.20) sa taunang karera na itinataguy­od ng LBC, sa pakikipagt­ulungan ng Petron, MVP Sports Foundation, Versa Radio at Standard Insurance.

Kasama naman sa top 10 sina Go for Gold’s Ronnel Hualda (4:01:22.10), Jerry Aquino, Jr. (4:01:22.20), Archie Cadana (4:01:22.30), Luis Krog (4:01:22.50), Leonel Dimaano (4:01:22.50), at Arth Lorence Garlejo (4:01:23.40).

Nakalusot din sina Mindanao’s James Ferpas at Ranlen Maglantay, gayundin ang pamilya Pagnanawon­s ng Cebu—Jaybop, Juhnvie at Jhetly.

Ang magkapatid na sina Jaybop at Jhunvie ay mga anak ni 1986 Marlboro Tour champ Rolando, habang pamangkin si Jhetly.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines