Balita

Nasopresa si Pogoy sa RoY

- NI ERNEST HERNANDEZ

TALIWAS sa reaksiyon ng nakararami, gulat at hindi makapaniwa­la si Roger Pogoy ng Talk ‘N Text Katropa sa kanyang pagkakahir­ang na Rookie of the Year (RoY) sa 2017 PBA Leo Awards nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

“Alam ko na candidate lang ako. Hindi ko akalain na ako magiging Rookie of the Year,” pahayag ni Pogoy.

Aniya, dumating siya sa awarding ceremony bilang pagtalima sa kautusan ng management. Kaya laking gulat niya nang marinig ang pangalan ng tatanggap ng RoY Award.

“Hindi ko talaga ma-describe. Parang nangingini­g ako na hindi ko alam ang pakiramdam,” sambit ng Gilas Pilipinas mainstay.

Tunay na mapaghamon sa kanyang career ang taong kasalukuya­n bunsod na rin ng pagkakahat­i ng kanyang atensiyon na tulungan ang Katropa sa kampeonato sa tatlong conference, gayundin ang kanyang responsibi­lidad bilang national player.

Sa bagong batch ng mga bagito, tunay na hindi pahuhuli ang talento nina Matthew Wright ng Phoenix Fuel Masters at Jio Jalalon ng Star Hotshots—tulad niya ay miyembro rin ng Gilas—ngunit angat ang kanyang katayuan sa kabuaan ng season.

“Sobrang blessed at masaya na nakuha ko ang Rookie of the Year. Deserving din naman sila, si Matt tsaka si Jio, pati ‘yung ibang rookies,” aniya.

Naitala ni Pogoy ang averaged 13.4 puntos at tatlong rebounds. Sa tangan na parangal, inaasahang mas hihigitan niya ang mga numero para sa koponan.

“Pagbutihan ang performanc­e. Kung puwede times two pa ‘yung performanc­e,” pahayag ng dating FEU standout.

Hindi naman nakalimuta­n ni Pogoy na pasalamata­n ang mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay.

“Unang-una, kay God talaga. Kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ako dito,” sambit ni Pogoy. “Next ‘yung family ko, management namin lalong-lalo na kay Boss MVP, Boss Ato, sa lahat ng coaching staff, kay Coach Nash (Racela) at sa teammates ko.”

 ??  ?? POGOY: Next big star sa PBA. RIO DELUVIO
POGOY: Next big star sa PBA. RIO DELUVIO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines