Balita

Uber-loaded

-

INABOT

ng halos 20 minuto bago nakarating si Mang Alfred sa aming tagpuan sa Pioneer Street, Mandaluyon­g City.

Pilit na ngumingiti ngunit halatang dugyot siya sa matinding traffic na kanyang nadaanan.

Si Mang Alfred ay isang driver ng Uber, na kabilang sa malalaking Transport Network Vehicle System ( TNVS) na nababalot sa kontrobers­iya.

Bagamat marami ang mga commuter na tumatangki­lik sa Uber dahil sa matinding kakulangan ng pampubliko­ng sasakyan, aminado si Mang Alfred na hindi na kasing sigla ang kanilang trabaho tulad ng mga nakaraang taon na nagsisimul­a pa lang ang operasyon ng kanilang kumpanya.

Dati ay kumikita sila ng halos P30,000 kada linggo dahil sa kaliwa’t kanang insentibo na ibinibigay ng Uber company. Ngayo’y wala na ito. Sa halip, umaasa sila sa tinatawag na ‘surge’ kung saan dumodoble o tumitriple ang singil ng Uber tuwing rush hour.

Maging itong sistema na ito ay pinalagan ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) kaya pigil pa rin ang pagpapatup­ad ng Uber hinggil dito.

Ayon kay Mang Alfred, ang tanging insentibo na kanilang maaaring tanggapin bilang Uber driver ay P4,000 kapag sila’y makakakuha ng 70 pasahero kada apat na araw.

Ito’y nangangahu­lugan ng mahigit sa 15 pasahero sa isang araw na, ayon kay Alfred, ay halos imposible dahil sa tindi ng trapiko.

Si Mang Alfred ay isang seaman at tuwing bababa siya ng barko, nagmamaneh­o siya bilang Uber driver.

Sarili niya ang kanyang sasakyan na isang Toyota Vios. Ito’y kanyang hinuhuluga­n ng limang taon.

Nakakaisan­g taon pa lamang si Mang Alfred sa kanyang pagba- bayad sa Vios.

Sa kabila ng pahirapang sitwasyon sa pagmamaneh­o sa Uber, hindi naman siya natatarant­a sa pag-iisip kung saan kukunin ang buwanang pambayad sa kanyang sasakyan.

Ito’y dahil maaari pa rin siyang makasakay ng barko at kumita nang mas malaki. Ang kanyang kontrata bilang seaman ay karaniwang nasa siyam na buwan hanggang isang taon at dalawang buwan.

Ito ang dahilan kaya nakabili siya ng Vios upang gamitin sa Uber. Halos kalahati rin ang kanyang ibinayad na down payment sa naturang sasakyan.

Uber-loaded

Nakikisimp­atya si Mang Alfred sa ibang Uber driver na nakararana­s na ng hirap na kumita sa kanilang pagmamaneh­o.

Aniya, kinakabaha­n na rin siya sa mga posibleng karamdaman na kanyang makuha dahil sa pagkakabab­ad sa traffic. Karaniwan siyang nalilipasa­n ng gutom, sumasakit ang likuran, nagpipigil ng ihi, at iba pa.

Sulit pa ba ang pagmamaneh­o sa Uber? ‘Yan ang tanong ni Mang Alfred.

 ?? BOY COMMUTE Aris Ilagan ??
BOY COMMUTE Aris Ilagan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines