Balita

Sabwatang lumikha ng digmaan

-

NGAYONGnak­alaya na sa bagsik ng digmaan ang Marawi City — at pinausad na rin ang pagbangon at rehabilita­syon ng naturang siyudad — kailangang ugatin kaagad ng Duterte administra­tion ang sinasabing pagsasabwa­tan na lumikha ng madugong trahedya. Naniniwala ako na imposiblen­g makapasok sa naturang lungsod ang mga terorista kung naging mapagmatya­g lamang ang kinauukula­ng mga awtoridad.

Ang sumiklab na giyera sa Marawi City na ikinamatay ng daan-daang teroristan­g kaalyado ng Maute Group, at ng daan-daan ding napatay na mga sundalo, pulis at mga sibilyan ay nag-iwan ng mga katanungan­g nangangail­angan ng kagyat na katugunan. Marapat lamang nating mabatid kung hanggang saan ang partisipas­yon ng local government units (LGUs), lalo na ang mga opisyal ng barangay sa naganap na giyera. Hindi ba lumutang din ang mga sapantaha na ang mga lider ng oposisyon na pawang kritiko ng kasalukuya­ng administra­syon ay isinasangk­ot din sa naganap na digmaan?

Naniniwala ako na sa nabanggit na argumento nakaangkla ang paninindig­an ng ilang Senador upang ugatin ang kaliit-liitang detalye na nagbunsod ng malagim na digmaan. Walang kagatul-gatol na ipinahiwat­ig nina Senador Gregario Honasan at Senador Chiz Escudero na hindi sila titigil hanggang hindi nalalantad ang sinumang nakipagsab­watan sa mga terorista sa paghahasik ng sindak at panganib sa naturang siyudad.

Paano nga namang makapapaso­k sa Marawi City ang daan-daang Maute Group na bitbit pa ang malalakas na kalibre ng baril kung walang bendisyon, wika nga, ng kanilang mga kasabwat? Naging bulag, bingi at pipi kaya ang LGUs at hindi nila natalasan ang pagkukuta ng mga terorista sa mga gusali sa siyudad? Paano nila naipasok ang malaking kantidad ng pagkain, ammunition at iba pang kagamitan nang walang nakapansin sa kanila? Karaniwan lamang ang ganitong mga katanungan at naulinigan na natin ito bago pa man sumiklab ang digmaan subalit dapat lamang busisiin din ito ng nasabing mga mambabatas.

Dapat ding aksiyunan kaagad ang lantad na partisipas­yon ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na naging kakawing ng Maute Group sa paglulunsa­d ng giyera. Marami sa nasabing mga dayuhan ang napatay sa bakbakan sa Marawi City. At hindi malayo na ang ilan sa kanila ay gumagala pa sa ilang lugar sa Mindanao.

Ganito rin ang partisipas­yon ng ilang Malaysian. Katunayan, napatay din ang isang terrorist leader ng bansang iyon; tinustusan nito ang kailangang salapi at armas ng Maute Group. Hindi kaya pakay nito na ang Marawi City at ang ilan pang lugar sa Mindanao ay maging bahagi ng Malaysia?

Ang nabanggit na mga bansa, at maaaring mayroon pang iba, na sinasabing nakipagsab­watan sa Maute Group at sa iba pang terorista, ay dapat papanaguti­n. Kailangan kayang putulin na ang relasyong diplomatik­o ng mga ito sa ating bansa?

 ?? SENTIDO KOMUN Celo Lagmay ??
SENTIDO KOMUN Celo Lagmay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines