Balita

Kaluluwang ligaw, duwende, kapre, atbp.

-

MAY

salaysay ang aking hipag, apo ni dating Senate President Jose Avelino, tungkol sa malawak na tahanan ng kanyang lolo. Nagugunita niya sa kanyang kamusmusan noong bumisita si Presidente Manuel Roxas sa Samar at nagpahinga sa kanilang bahay.

Habang nakaupo raw si Presidente Roxas sa kama ay bigla niyang nakita ang isang tao sa silyang katabi ng kanyang tulugan. Halos hatinggabi na pero nagbakwit si Roxas at ang buong Presidenti­al Guards.

Ayon sa kuwento, may malaking puno ng acacia na nakadungaw sa bintana ng mga Avelino. May isang doktor na hindi maunawaan ang sakit ng kanyang anak. Sumangguni siya sa mga kasamahang eksperto upang matingnan ito. Walang maka-diagnose sa sakit ng kanyang supling.

Lahat tayo ay naniniwala na may mga kampon si Satanas, na itinapon ng Diyos sa mundo nang mag-aklas ang 1/3 sa mga anghel sa langit. Layunin nilang mandamay upang may makasama sa impiyerno sa kasalukuya­ng giyera ng mga puwersa ng Panginoon at ni Satanas.

Akala ko nanunukso lang ang demonyo upang magkasala tayo. Nagbago na ang aking pananaw dahil hindi lang pala mga diyablo ang nasa paligid natin. May mga “ligaw na kaluluwa”, “elementals” tulad ng duwende, kapre, pati kulam, atbp., kasama ang mga demonyo na maaaring magdulot ng sakit sa pamilya, o posibleng kamatayan ng tao.

Batay sa aklat ni Fr. Jose Francisco Syquia, director ng Office for Exorcism ng Archdioces­e of Manila, totoo pala lahat ito. Wasto rin ang tungkol sa mga lumang puno, mga punso, at kahit mga imahe ng mga Santo ay maaaring saniban. Puwede rin maging ang mga antigong tahanan. Mga laong bahay o silid na bakante maaaring pamugaran.

Batay sa aking karanasan sa aming compound sa Cebu, ito ang nagpapaliw­anag sa mga kababalagh­ang nagaganap at sa mga nakakataas­balahibong nakikita ng aming mga kasambahay. Dahil 30 taong hindi natirahan ang...

compound, kumonsulta kami para sa tinagurian­g “deliveranc­e” kay Fr. Pepe Vincoi ng Dumaguete, kilalang may kapangyari­han sa ganitong labanan. Tatlo silang nanalangin at nagbendisy­on ng Holy Water at asin sa buong bahay at kapaligira­n. Nagpray over din sa mga naniniraha­n. Sa huli, napaalis niya ang 53 kaluluwang ligaw, limang kastilyo ng duwende, kapre, atbp.

Hindi talaga maaaring manirahan ang mga anak ng Diyos at kampon ng dilim sa iisang bubong.

 ?? SEÑOR SENADOR Erik Espina ??
SEÑOR SENADOR Erik Espina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines