Balita

Tapos na ang bakbakan

-

TAPOSna ang madugong bakbakan sa Marawi City, na kumitil sa buhay ng mahigit 1,000 tao, kabilang ang mahigit 160 kawal at pulis. Inokupahan ng teroristan­g Maute-ISIS-ASG ang lungsod noong Mayo 23 habang nagbibiyah­e si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa Russia, kasama sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP chief of staff Gen. Eduardo Año, Gen. Bato, at mga miyembro ng gabinete.

Binatikos ni ex-Pres. Fidel V. Ramos ang biyahe ni Mano Digong na isa raw junket, dahil isinama niya ang mga opisyal ng gobyerno kaya sinamantal­a ng teroristan­g Maute Group ang pagsalakay. Tumagal ng limang buwan ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at ng Maute terrorists, na tinulungan ng ISIS at Abu Sayyaf Group members ni Isnilon Hapilon, ang “emir” ng ISIS sa Southeast Asia.

Matapos mapatay sina Hapilon at Omar Maute, idineklara ni PRRD na “Marawi is liberated” bagamat may mga straggler pang natitira, kasama na ang tatlong anak ni Hapilon at mga asawa ng mga terorista.

Nitong Lunes, Oktubre 23, pormal nang idineklara nina Lorenzana at Año na tapos na ang Marawi siege, na ikinamatay ng mahigit 1,000 terorista, kawal, pulis, at sibilyan.

May 42 terorista, kabilang ang dalawang babae at limang foreigners, ang napatay sa huling yugto ng labanan. Marami ang nagtatanon­g kung bakit nabigo ang intelligen­ce units ng AFP at PNP na matiktikan na sasalakay at ookupahan pala ng Maute-ISISASG ang Marawi City. Nagmukhang tanga ang mga ito sapagkat hindi nila nalaman ang pag-iipon ng mga armas, paghuhukay ng tunnel at pagsipat sa mga gusali na pagkakanlu­ngan ng mga ito sa bakbakan. Hindi rin nila nalaman kung kasabwat ang mga lokal na opisyal ng Maute sapagkat imposiblen­g hindi ito mahigingan ng mga barangay captains, mayors, at governor ng Lanao del Sur.

Naipakulon­g na ni PDu30 ang mahigpit niyang kritiko, si Sen. Leila de Lima, sa kasong illegal drug trade, sa tulong ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II. Ngayon naman, may mga ulat na hinahayaan ng Department of Justice na siyasatin ang mga alegasyon na si Sen. Antonio Trillanes IV, isa pang matinding kritiko ng Pangulo, ay nakagawa umano ng treason o pagtataksi­l sa bayan nang magpunta sa US para makipagpul­ong sa US officials, tulad ni Florida Sen. Marco Rubio.

Itinanggi ni Trillanes ang akusasyon at sinabi niyang pinag-usapan nila ni Rubio ang tungkol sa alyansa ng Pilipinas at US, kurapsiyon, at sitwasyon ng human rights. Itinanggi rin niya na hinihimok ang US officials na pigilan si US Pres. Donald Trump na bumisita sa Pilipinas. Sino raw ba siyang isang senador na makapipigi­l sa Trump visit sa ‘Pinas?

SHOWBIZ naman tayo: Parang uso ngayon sa Filipino movies na pagtambali­n ang ...

“isang pangit na aktor” at isang magandang actress. Halimbawa rito ay sina Empoy at Alessandra de Rossi, na naging hit ang pelikulang pinagtamba­lan. Ito ‘yung kung tawagin ay “The Beauty and the Beast”. Kumita ang movie nina “Maganda at Pangit”, kaya si Empoy ngayon ay naging sikat at in demand na actor.

Kaya kayong mga pangit kong kababayan, huwag mawalan ng pag-asa, dahil ang katapat ninyo ay magandang dilag!

 ?? PAGTANAW AT PANANAW Bert de Guzman ??
PAGTANAW AT PANANAW Bert de Guzman

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines