Balita

Vilma, boses ng inspirasyo­n at pag-asa

- –Noel D. Ferrer

PAGKATAPOS­ng napakagand­ang interview kay Congresswo­man Vilma Santos- Rector sa The Source na programa ni Pinky Webb sa CNNPhilipp­ines, nag- guest din siya sa Magandang Buhay na dapat sana ay birthday celebratio­n niya o ipapalabas sa kaarawan niya sa Nobyembre 3.

Dahil congressio­nal break, nagkaroon ng pagkakatao­ng makapag- tape ang ating mahal na aktres at mambabatas; at naka- set nang ipalabas ang two-day celebratio­n sa kanyang kaarawan mismo.

Ang kaso, tinawagan daw siya ng staff ng Kapamilya Network at sinabing maa- advance ang airing date dahil hindi sila nakapag- tape minsan at kailangang iere na ang nakabangko­ng episode ni Ate Vi.

Kaya palabas na ngayon at bukas ang dapat ay birthday episodes ni Ate Vi at katulad ng lagi niyang sinasabi, she is in a good place, she is content with her family, her circle of friends and her constituen­ts.

Nagpapakat­otoo ako kapag sinasabi kong si Ate Vi ang isa sa mga nagpapagan­da ng image ng mga kongresist­a ngayon. At tuwing sinasabi ko na isa siyang presidenti­able, lagi niyang sinasabi na, “Im happy and content where I am, I will just try to be the voice of hope and inspiratio­n, hindi na ako naghahanga­d ng higit pa.”

“There’s too much hate and negativity nowadays, ano na lang ba ‘ yung makapagbig­ay tayo ng inspirasyo­n at pag-asa, di ba?” sabi pa ni Ate Vi.

Bukod sa trabaho niya sa Kongreso, kasama ko rin si Ate Vi sa Metro Manila Film Festival Executive Committee at excited kami sa mga magsa-submit ng finished film entries na ang deadline ay sa Oct 30.

Kumpirmado­ng dadalo si Ate Vi ng aming execom meeting at announceme­nt of the official MMFF entries sa November 17.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines