Balita

Jazz, pinatulog ng Clippers

-

LOS ANGELES (AP) — Wala sa ayos ang galaw ng Utah Jazz, sapat para samantalah­in ng Los Angeles Clippers tungo sa 102-84 desisyon nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nanagana sa opensa sina Blake Griffin sa naiskor na 22 puntos at Patrick Beverley na may 19 puntos para sa ikatlong sunod na panalo ng Clippers. Nag-ambag sina Austin Rivers ng 16 puntos, Danilo Gallinari na may 14 puntos at DeAndre Jordan na tumipa ng 11 puntos at 18 rebounds.

Nanguna si Rookie Donovan Mitchell sa Jazz (2-2) sa natipang 19 puntos, habang kumubra si Rudy Gobert ng 12 puntos at pitong rebounds at humirit si Thabo Sefolosha ng 11 puntos at 12 rebounds.

Nadomina ng Clippers ang tempo ng laro sa kaagahang ng laban na nagresulta sa 21 puntos na bentahe na nabigong habulin ng Jazz. BLAZERS 103, PELICANS 93

Sa Portland, Ore., ratsada si CJ McCollum sa nahimay na 23 puntos para sandigan ang Trail Blazers sa NBA-record winning home opening streak sa 17 laro matapos ang panalo sa New Orleans Pelicans.

Nag-ambag sina Damian Lillard at Evan Turner ng tig-13 puntos para sa Portland (3-1).

Nanguna si DeMarcus Cousins sa Pelicans sa naiskor na 39 puntos at 13 rebounds. Naapektuha­n nang husto ang Pelicans nang ilabas si leading scorer Anthony Davis bunsod ng injury sa kaliwang tuhod.

CAVS 119, BULLS 112 Sa Cleveland, naisalba ng Cavaliers ang masamang simula para mapatameme ang Chicago Bulls.

Nagsalansa­n si LeBron James ng 34 puntos at 13 assists para sa Cavaliers, naghabol sa double digits na bentahe ng karibal sa first half.

Tinuldukan ni Robin Lopez mula sa 14-feet jumper ang 14-4 run ng Bulls sa first period. Nanatiling abante ang Bulls sa 32-19 mula sa back-to-back jumper ni dating Cavs Kay Felder.

Nakatabla ang Cavs sa 72-all mula sa three pointer ni Jae Crowder.

Nanguna sa Bulls (0-3) si Justin Holiday na may 25 puntos.

Kumasa rin sa Cavs sina Kevin Love na may 20 puntos at Jeff Green na tumipa ng 16 puntos.

MAGIC 125, NETS 121

Sa Orlando, Florida, naitala ni Aaron Gordon ang career-high 41 puntos, tampok ang go-ahead 3-pointer may 35 segundo ang nalalabi sa panalo ng Magic kontra Brooklyn Nets.

Kumana rin si Evan Fournier ng 28 puntos, tampok ang dalawang free throws sa huling 15.5 segundo.

Nanguna si D’Angelo Russell sa Nets sa nahugot na 27 puntos, habang umiskor sina DeMarre Carroll at Rondae Hollis-Jefferson ng 19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Sa iba pang laro, nilupig ng Indiana Pacers, sa pangunguna nina Victor Oladipo at Cory Joseph na may 28 at 21 puntos, ayon sa pagkakasun­od, ang Minnesota Timberwolv­es, 130-107; nasungkit ng Boston Celtics ang ikalawang sunod na panalo nang gapiin ang New York Knicks, 110-89.

 ??  ?? DINIDISKAR­TIHAN ni Victor Oladipo ng Indian Pacers ang depensa ni Taj Gibson ng Minnesota Timberwolv­es. AP
DINIDISKAR­TIHAN ni Victor Oladipo ng Indian Pacers ang depensa ni Taj Gibson ng Minnesota Timberwolv­es. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines