Balita

‘Nirapido ng suntok at palo si Atio’

- Ni JEFFREY DAMICOG May ulat ni Beth Camia

Itinuloy pa rin ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity ang initiation rites sa University of Sto. Tomas (UST) law student na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III kahit pa nawalan na ito ng malay sa ikatlong hataw ng paddle.

Ito ang nabatid ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II mula sa Aegis Juris fratman na si Mark Ventura, na nagpasyang tumestigo sa pagkamatay ni Castillo.

“This is a very welcome developmen­t,” sinabi ni Aguirre kahapon tungkol sa desisyon ni Ventura na maging nag-iisang testigo sa hazing case, na sumasailal­im ngayon sa preliminar­y investigat­ion ng panel ng prosecutor­s ng Department of Justice (DoJ).

“Even without any corroborat­ive testimony I believe his statement will stand,” ani Aguirre, sinabing handa ang kagawaran na tumanggap ng isa pang testigo upang kumpirmahi­n ang testimonya ni Ventura.

Kasama ang kanyang ina na si Merlene at abogadong si Atty. Ferdie Benitez, nakipagpul­ong si Ventura kay Aguirre nitong Martes kung maaari ba siyang maging state witness sa kaso.

Kasabay nito, nagsipagha­in naman ng kani-kaniyang counteraff­idavit ang mga fraternity brother ni Ventura sa DoJ sa preliminar­y investigat­ion nitong Martes.

“Mr. Ventura narrated to us what he knew about what happened to Horatio ‘Atio’ Castillo III from the time of his admission as a neophyte of the Aegis Juris Fraternity until his initiation rites on the early morning of September 17, 2017,” sabi ni Aguirre. “Mr. Ventura gave us the names of the persons who were present during the initiation rites of Mr. Atio Castillo III. After hearing the narration of Mr. Castillo, I immediatel­y decided to place him under provisiona­l acceptance into the WPP (Witness Protection Program).”

Inamin ni Ventura, dating secretary ng fraternity ngunit nagleave bilang UST law student, na kasali siya sa initiation rites ni Castillo sa Aegis Juris library sa Maynila.

Kuwento niya, bandang 1:00 ng umaga nang simulan ang initiation rites kay Castillo. Sa simula, sampung brod ang sabay-sabay na sumuntok sa mga braso ni Castillo sa loob ng isang oras hanggang sa mamaga ang mga ito.

Pagkatapos, hinataw naman ng mga fratman ang mga magkabilan­g braso ni Castillo gamit ang paddle.

“On the third paddle against Atio, tinanong pa siya kung kaya pa niya,” ayon kay Aguirre ay kuwento ni Ventura. “But in the fourth paddle, hindi na niya kaya, and he collapsed already.”

Ayon pa kay Aguirre: “Unitelligi­ble na yung kanyang response. Nung tinanong siya, hindi na siya maka-respond. Parang umuungol na lang siya.”

Sa kabila nito, itinuloy pa rin umano ng mga fratman ang paghataw kay Castillo ng paddle.

“But after a few minutes, siguro nung nakita nilang nagkakamal­ay ‘yung si Atio, they struck him for the fifth time with a paddle, lalo nag-collapse. At nun, naging panicky na ‘yung members ng frat,” sabi pa ni Aguirre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines