Balita

BALIK-BAYAN Marawi evacuees puwede nang umuwi—DSWD

- Mary Ann Santiago

Ipinauubay­a na ng Department of Education ( DepEd) sa school authoritie­s kung kinakailan­gan o hindi na magsagawa ng make-up classes tuwing Sabado kasunod ng limang araw na kanselasyo­n ng klase ng mga estudyante sa Nobyembre dahil sa Associatio­n of South East Asian Nation (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa.

AyonkayEdu­cationUnde­rsecretary Tonisito Umali, ang kasalukuya­ng academic calendar ay may 204 school days.

Sa nasabing bilang, aniya, 180 ang “non-negotiable” o obligadong pumasok sa eskuwela ang mga mag-aaral, habang ang 24 naman ay nagsisilbi­ng “buffer days” na maaaring magamit ng mga estudyante upang makahabol sa mga araw na hindi sila pinapasok sa eskuwela tulad na lang kapag panahon ng bagyo.

Sa kasalukuya­n, aniya, ay mas marami nang class suspension­s sa Metro Manila kumpara sa mga lalawigan, ngunit 15 pa lamang sa 24 na buffer days ang nagamit nila.

“Iyong decision na magkaroon po ng make-up classes, ibinibigay po natin ‘yan sa paaralan in coordinati­on with the school division offices,” sinabi ni Umali sa panayam sa radyo.

Matatandaa­ng idineklara ng Malacañang na special non-working days sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga ang Nobyembre 13, 14 at 15 dahil sa 31st ASEAN Summit, habang napagkasun­duan na rin ng Metro Manila mayors na suspendihi­n ang klase sa lahat ng antas sa Nobyembre 16- 17 dahil pa rin sa naturang pagtitipon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines