Balita

Piolo, nagbigay ng R1M para sa Marawi

- Ni NITZ MIRALLES

IPINOSTni Robin Padilla ang pictures nang magbigay sa kanya ng tseke sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal para sa pagbangon ng Marawi City. Sa isang picture na magkakasam­a silang tatlo, hawak ni Robin ang tseke na galing kay Piolo.

Ang isa pang picture, pumipirma sa tseke si Piolo at kasunod nito ang picture na nakasulat ang halaga ng donasyon ni Piolo. Sa dalawang kasunod na pictures, si Bb. Joyce naman ang pumipirma ng tseke at kung magkano naman ang ibinigay niyang tulong sa pamamagita­n ni Robin.

“Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampal­ataya... Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayong gabi ng ika23 ng Oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito... pagkatapos na pagkatapos na makapaning­il ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag-goodtime kaagad o magpakalun­od sa celebratio­n bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nag-donate ng pera para sa pagpapatay­o ng bahay sa Marawi.

“(One) 1 million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal. Maraming- maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinasyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalag­anap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino... Mabuhay kayo, aking mga kaibigan!!! Mabuhay ang inyong mga spirit! Dasal ko’y kumalat ang mga #spirituala­ct ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagka-Tagalog!! Sa salitang Tagalog katutura’y ang lahat ng tumubo sa sankapulua­ng ito, sa makatuwid, Bisaya man, Iloko man, Kapangpang­an man, etc., ay Tagalog din.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines