Balita

Broadcaste­r binistay, patay

- Nina FER TABOY at CAMCER ORDOÑEZ IMAM

Patay ang isang broadcaste­r habang sugatan naman ang livein partner niya makaraan silang pagbabaril­in ng hindi pa nakikilala­ng suspek sa Bislig City, Surigao del Sur, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bislig City Police Office (BCPO), dakong 9:00 ng gabi nang mangyari ang krimen malapit sa bahay ng mamamahaya­g.

Ang napatay ay kinilalang si Christophe­r Lozada, 29, radio anchor sa Prime Broadcasti­ng Network, habang isinugod naman sa ospital ang kinakasama niyang si Honey Faith Tuyco Indog, 19, ng Purok 5, Barangay Coleto, Bislig City.

Sinabi sa report ni Chief Insp. Joseph Jementiza, hepe ng BCPSHomici­de Division, na sakay ang mga biktima sa kanilang Toyota Vios pauwi nang tambangan at pagbabaril­in ng mga suspek na sakay sa isang van.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigas­yon sa krimen, bagamat napaulat na may hinala ang pulisya na may kinalaman sa trabaho ni Lozada ang pamamaslan­g sa kanya.

Kaugnay nito, itinanggi ni Bislig City Mayor Librado Navarro na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Lozada, bagamat inamin niyang naghain siya ng tatlong bilang ng libel laban dito noong 2012.

Ang kaso ay kaugnay ng mga pagbatikos ni Lozada sa alkalde sa programa nito sa radyo.

“I can hold my head up high and say I am innocent and my conscience is clear,” sinabi ni Navarro sa isang panayam. “He is like a son to me.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines