Balita

Trump, dalawang araw sa Manila Genalyn D. Kabiling

-

Mas maganda sana kung magiging mas mahaba ang pananatili ni US President Donald Trump sa Manila para sa regional summit sa susunod na buwan ngunit nauunawaan ng pamahalaan na limitado ang kanyang oras, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kahapon.

Ayon kay Cayetano, nakatakdan­g bumisita si Trump sa Manila para sa serye ng regional talks sa Nobyembre 12 at 13 ngunit maaaring hindi na ito makadadalo sa East Asia Summit (EAS) sa Nobyembre 14 dahil sa limitadong oras.

“If the EAS will push through on November 14, he cannot extend another day because his trip is already long. Having said that, that’s normal,” ani Cayetano sa panayam ng media matapos ang turnover ng military equipment ng Russia sa Pilipinas sa Manila port.

“So it would have been great if President Trump could attend all the activities but the reality is any world leader especially for the US cannot spend too much days outside the US,” dagdag niya.

Posibleng si US Secretary of State Rex Tillerson ang kakatawan kay Trump sa EAS meeting sa susunod na buwan, aniya.

Batay sa schedule na inilabas ng Palasyo, inaasahang makakasama si Trump sa special gala celebratio­n ng 50th anniversar­y ng Associatio­n of Southeast Asian Nations sa Nob. 12, at dadalo sa ASEAN-US summit sa Nob. 13.

Inaasahang magdadaos din ng bilateral talks sina Trump at Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang magiging unang pagkikita ng dalawang lider.

“I think the sign he is coming, staying for two days, he’s attending most of the activities, and then the bilateral with allies including the Philippine­s, is a very very strong message of friendship and cooperatio­n,” ani Cayetano.

Ang pagbisita ni Trump sa Manila ay bahagi ng kanyang 12-araw na biyahe sa limang bansa sa Asia sa susunod na buwan. Bago sa Manila, nakatakdan­g bisitahin ni Trump ang Japan, South Korea, China, at Vietnam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines