Balita

Vendor itinumba habang tulog

- Mary Ann Santiago

Isang vendor na umano’y dating sangkot sa ilegal na droga at sinasabing may kaalitang drug pusher, ang namatay nang pagbabaril­in ng ridingin-tandem habang natutulog sa kanyang kariton sa bangketa sa Port Area, Maynila bago maghatingg­abi nitong Martes.

Mga tama ng bala sa noo at kanang pisngi ang ikinasawi ni Sonny Boy Lapore, 48, ng Barangay Bagtas, Tanza, Cavite, at nagtitinda sa sidewalk sa Bonifacio Drive sa Port Area.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakil­anlan ng dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ni PO3 Michael Maraggun, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section ( MPDCAPIS), nabatid na dakong 11:45 ng gabi nang mangyari ang krimen sa sidewalk kung saan nagtitinda si Lapore, at nagsisilbi rin nitong tirahan habang nasa Maynila.

Nabatid na natutulog ang biktima sa kariton, katabi ang kinakasama­ng si Emily Gabiola, 48, nang magising ang babae sa malakas na putok ng baril, at nakitang duguan ang biktima habang nasa tabi nito ang isang lalaki na nagsusukso­k ng baril sa beywang.

Mabilis na umangkas ang suspek sa motorsiklo, na minamaneho ng isa pang lalaki, tsaka sila humarurot patakas.

Hinala ng mga awtoridad, may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay matapos na mabatid sa kanilang imbestigas­yon na dating gumagamit ng droga si Lapore, at nagsilbi pa umanong runner ng ilang tulak.

 ?? IMBESTIGAS­YON JUN ARAÑAS ?? Iniinspeks­iyon ng mga awtoridad ang lugar kung saan binaril at napatay ng mga hindi nakilalang suspek ang vendor na si Sonny Boy Lapore habang natutulog sa kanyang kariton sa A. Bonifacio Drive sa Maynila, kahapon ng madaling araw.
IMBESTIGAS­YON JUN ARAÑAS Iniinspeks­iyon ng mga awtoridad ang lugar kung saan binaril at napatay ng mga hindi nakilalang suspek ang vendor na si Sonny Boy Lapore habang natutulog sa kanyang kariton sa A. Bonifacio Drive sa Maynila, kahapon ng madaling araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines