Balita

Rom 6:19-23 ● Slm 1 ● Lc 12:49-53

-

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Dumating ako upang maghagis ng apoy sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na sana ito! Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na lamang ang pagkabalis­a ko hanggang hindi ito nagaganap! Sa akala n’yo ba’y dumating ako para magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, kundi paghihiwa-hiwalay! ‘Pagkat mula ngayo’y magkakahat­i-hati ang limang nasa isang sambahayan, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo; magkakahat­i-hati sila: ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina, biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae, at manugang na babae laban sa biyenang babae.” PAGSASADIW­A:

Sa akala n’yo ba’y dumating ako para magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, … kundi paghihiwa- hiwalay!— Hindi ba’t si Jesus ang Diyos at Hari ng kapayapaan? Bakit tungkol sa kawalan ng pagkakasun­do ang ‘tila sentro ng kanyang mensahe sa kanyang pagdating? Ang totoo, hindi layunin ng pagparito ni Jesus ang pagkakawat­ak-watak ng tao.

Ang pagkakahat­i-hati o pagkakahiw­a-hiwalay na tinutukoy ni Jesus ay may kinalaman sa magiging bunga nito sa mga taong maninindig­an para sa kanya. Hindi malayong mangyari na sa pagsunod natin kay Jesus ay may mga taong sasalungat sa atin. Ang magkaibang paniniwala ay maaari rin namang humantong sa hindi pagkakasun­do.

Hindi madali ang mamuhay nang nasa panig ni Kristo. May mga pag-uusig at pagsubok na maaaring harapin ng sinumang nagnanais maging alagad ni Jesus. May mga miyembro ng pamilya na dahil sa magkakaiba­ng paniniwala ay nagkawatak-watak. Nakapanghi­hinayang kung dahil sa magkasalun­gat na pananaw ay nasira ang pamilya. Ngunit mas malaking kapahamaka­n kung masisira naman ang ating ugnayan sa Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines