Balita

Aktres na diva-divahan ang peg, mahilig manghiram ng gamit

- –Reggee Bonoan

TOTOOpala ang mga nababalita­an namin noon tungkol sa anak ng dating beauty queen na aktres na may pagka-diva, na siyang dahilan kaya hindi siya masyadong feel ng production staff na nakatrabah­o niya sa mangilan-ngilang programa at limang pelikulang ipinalabas noong 2012, 2013, 2014 at 2016 na semplang sa takilya.

Feeling nitong anak ng dating beauty queen ay sikat na siya porke’t may namana siyang malaking pangalan ng taong nakilala sa buong mundo noong maging kinatawan ito ng Pilipinas, pero hindi naman niya naiuwi ang korona.

Ang kundisyon ng anak ng dating beauty queen na naging aktres sa mga taga-production, kapag darating na siya sa set o venue, dapat ay may reserved parking space siya. Ayaw niyang naghahanap pa siya ng paparadaha­n niya.

Ayaw ding magpa- valet ng diva- divahan dahil ayaw niyang magbayad at higit sa lahat, dapat ay super asikaso siya.

Sabi ng dating TV executive na nakatrabah­o ng anak ng dating beauty queen na diva-divahan ang peg, “Daig pa niya nanay niya sa pagka-diva. Mas hamak namang mas magaling umarte nanay niya kaysa sa kanya.”

Oo nga pala, nag-artista na rin ang dating beauty queen at diva rin naman pero keri niya in all aspects, pero hindi ito namana ng copycat na anak.

Anyway, bukod sa kuwentong ito ng TV executive, mahilig din palang manghiram ng gamit ang diva- divahan queen, as in mga personal na gamit, na ikinalolok­a ng mga taong hinihirama­n niya. Pinahihira­m naman kasi? “Noong una, oo, pero no’ng nagtagal hindi na, kasi parang parating umaasa na,” sagot ng TV executive.

Naiisip tuloy namin kung alam kaya ng dating beauty queen na napakasama ng image ng kanyang anak sa mga nakakatrab­aho. Ma at pa!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines