Balita

Regine, ipinakilal­a ang mga bagong reyna ng biritan

- Ni LITO T. MAÑAGO

ISA sa highlights sa unang gabi ng katatapos na R.30 concert ni Regine Velasquez sa SM Mall of Asia Arena nu’ng Sabado ang pagsasama-sama sa entablado ng limang future biriteras, singing at recording superstars, kasama ang nag-iisang Asia’s Songbird.

Kilalanin ang mga bagong reyna ng biritan, ayon mismo kay Regine.

Unang napakingga­n si Angeline Quinto -- grand winner ng Star Power: Search for the Next Female Pop Superstar, hosted by Sharon Cuneta in 2011- na bumanat ng bersIyon niya ng On The Wings of Love. Bago naging kampeon, naging finalist din siya ng Star for A Night na ang itinanghal na grand winner ay si Sarah

Geronimo. Naging contestant din ng

Philippine Idol at wagi rin bilang grand champion ng MTB: Teen Popstar. Naging wildcard finalist din siya ng segment na Diz Iz Kantahan: Challenge the Champion ng programang Diz Iz It ng TAPE, Inc.

Sinundan siya ni Julie Anne San Jose -- finalist ng Popstar Kids aired over QTV11 at hosted by Kyla, recipient ng Diamond Record at Triple Platinum Record Awards mula sa PARI (Philippine Associatio­n of the Record Industry) at former member ng Sugarpop. Binanatan naman ng girlfriend ni

Benjamin Alves ang awiting Shine na umani rin ng malakas na tilian at sigawan ng MOA audience.

Kilala naman si Aicelle Santos bilang soul, R&B, pop at jazz singer-songwriter. Naging contestant siya sa dating Star in A

Million ng ABS-CBN bago siya kinilala bilang undefeated champion sa Pinoy Pop Superstar ng GMA Network. Naging household byword ang kanyang pangalan sa musical play na Rak of Aegis sa PETA at kinilala rin bilang Traffic Diva ng Eat Bulaga. She sang Say

That You Love Me na umani rin ng malakas na tilian from the spectators.

Bago naging Kapamilya, ilang taon munang naging bahagi Kapuso si Jonalyn Viray, kauna-unahang grand champion ng

Pinoy Pop Superstar, hosted by Regine herself. Vocally, walang kuwestiyon sa kahusayan niya sa pagbirit. Nang lumipat ng ABS-CBN, lalong nangningni­ng ang kanyang bituin at lalong nahasa ang performanc­e niya sa concert stage. Nang gabi ng R.30 concert, lalo niyang pinahanga ang mga manonood sa rendesyon niya ng awiting I Don’t Wanna Miss A Thing.

Hu l i man pero hindi naman nagpatinag sa naunang apat na biritera si Morisette Amon . Produkto siya ng Star Factor ng TV5 at naging runner-up ng winner. She made her profession­al stage debut via

Camp Rock na produksiyo­n ng Repertory Philippine­s. A year after, nag-audition siya sa first season ng The Voice of the Philippine­s ng ABS-CBN at naging bahagi ng team ni Sarah Geronimo.

Nakabibing­ing sigawan at malakas na palakpakan ang pinakawala­n ng audience sa loob ng MOA Arena kasabay ng standing ovation pagkatapos nilang kantahin ang awiting In Your Eyes with the undisputed Reyna ng Biritan.

Pagkatapos ipakilala ni Regine ang limang equally talented singers, sabi niya, “Ladies and gentlemen, meet The New Queens!”

Nagpista ang goosebumps nang gabing iyon.

 ?? Regine at Birit Queens ??
Regine at Birit Queens

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines