Balita

Sylvia, may kissing scene kay Nonie

- Ni REGGEE BONOAN Sylvia

PANAY ang tawanan ng mga nanood ng premiere night ng The Barker nina Empoy Marquez at Shy Carlos sa kissing scene sina Sylvia Sanchez at Nonie Buencamino. Nabanggit dati ni Ibyang na nasubukan na niyang magkaroon ng kissing scene kay Nonie na inakala naming sa The

Greatest Love lang nangyari dahil sila ang “love team” sa serye, pero hindi namin akalain na pati pala sa The Barker.

Tinext namin ang aktres habang nanonood kami ng premiere ng The

Barker nitong Martes sa SM Megamall Cinema 7. Kasalukuya­ng nasa shooting ng Mama’s Girl si Ibyang kaya hindi siya nakarating sa event, pero umamin ang aktres na pati siya ay natatawa rin sa kissing scene nila ni Nonie.

“Oo, ginawa ko ‘yan dahil kay Dennis ( Padilla), dahil kaibigan ko siya. First directoria­l job niya. At siyempre for Empoy, mabait na bata,” sabi ni Ibyang.

Kasi naman kung kailan umabot na sa 45 years old si Sylvia ay saka pa nagkaroon ng kissing scene, ha-ha-ha.

Inakala naming kissing scene lang ang pasabog ng aktres sa The Barker, pero sumayaw din pala gayong ayaw na ayaw niya itong

gawin dahil nga feeling niya matanda na siya at mataba pa. Huli siyang sumayaw nu’ng guesting nilang mag-iina ( Arjo at Ria Atayde) sa Gandang Gabi Vice.

‘ At sumayaw ka pa pala, mala- Bollywood ang pelikula,’ kantiyaw namin sa kanya.

“Oo nga, at pinagtataw­anan mo akong sumayaw? Panoorin mo ang kabaong scene bloopers, umabot ako ng take 15 dahil sa katatawa,” sabi ng aktres.

Ipinakita nga ang bloopers, at ilang beses ngang na- cut ni Direk Dennis si Ibyang dahil tawa siya nang tawa habang nasa kabaong si Nonie na yakap-yakap ang paborito nitong unan at may patay-sindi pang mga ilaw sa palibot ng kabaong. May namatay ba naman kasing ganu’n?

Anyway, comedy ang The Barker kaya lahat ng eksena ay puro katatawana­n at konting drama lang na binabali rin ni Direk Dennis.

Ang ganda ng texture ng pelikula, kaya pala ipinagmama­laki ni Dennis na mahusay ang director of photograph­y niya dahil mabusisi lalo na sa pag-iilaw.

Bukod kina Empoy, Shy, Nonie at Sylvia ay kasama rin sa The Barker sina Gary Lim, Wilma

Doesnt, Jeric Raval, Atak at iba pa for Blank Pages Production­s at Viva Films.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines